Library
Ministering


Larawan
ministering

Pag-aaral ng Doktrina

Ministering

Buod

Ang pagmi-ministering ay pangangalaga sa iba na tulad ng kay Cristo. Udyok ito ng hangarin natin na sundin ang utos na mahalin ang ating kapwa at kasama rito ang paglilingkod sa mga tao dahil nagmamalasakit tayo sa kanilang espirituwal at temporal na kapakanan.

Nagpakita ang Tagapagligtas ng halimbawa ng ministering noong narito Siya sa lupa. Siya ay “ngumiti, nakipag-usap, naglakad kasama [sila], nakinig, nag-ukol ng oras, naghikayat, nagturo, nagpakain at nagpatawad” (Jean B. Bingham, “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2018, 104). Iniutos sa atin ng Tagapagligtas na tularan ang Kanyang halimbawa na “kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa” (Juan 13:34).

Likas na sa atin ang mag-minister sa ating pamilya, sa ating mga mahal sa buhay, at sa iba pa sa ating paligid. Sa mga ward, tumatanggap din tayo ng mga assignment bilang mga ministering brother o ministering sister para mapangalagaan ang mga miyembro ng ward sa organisadong paraan (tingnan sa Moroni 6:4). Tinitiyak natin na napapangalagaan ang lahat at walang nakakaligtaan.

Magkasamang nagtutulungan, pinangangasiwaan ng mga elders quorum at Relief Society presidency ang mga gawain sa ministering sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Karaniwan, bawat isang adult sister ay mayroong dalawang ministering sister na naka-assign na mangalaga sa kanya at sa bawat household o tahanan ay mayroong dalawang ministering brother na naka-assign na mangalaga sa mga miyembro ng household. Paminsan-minsan, maaaring i-assign ang mag-asawa bilang ministering companion para mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro. Simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 14 na taong gulang, ang mga kabataang lalaki at babae ay maaaring i-assign na maglingkod bilang mga ministering companion ng mga adult.

Bilang mga ministering brother o sister, nakikibahagi tayo sa mga quarterly ministering interview, kung saan sinasabi natin sa ating mga lider ang tungkol sa ating ministering at ang mga partikular na kakayahan at pangangailangan ng mga taong pinaglilingkuran natin.

Maraming uri ang ministering. Kung maaari, bumibisita ang mga ministering brother at sister sa mga miyembro sa kanilang mga tahanan. Maaari ding kausapin sila sa simbahan o sa komunidad. Maraming magagamit na iba’t ibang paraan, mula sa anumang uri ng paglilingkod hanggang sa pagbisita, pagtawag sa telepono, pag-email, o pag-text. Magkakaiba ang mga tao, at epektibo ang ministering kapag ginagawa ito para sa bawat indibiduwal at ginagabayan ng Espiritu. Sa pamamagitan ng panalangin at inspirasyon, bibiyayaan tayo na malaman kung paano mag-minister tulad ng ginawa ng Tagapagligtas.

Kapag ginagawa natin ang ministering, kinakatawan natin si Jesucristo sa pangangalaga, pagtulong, at pagpapalakas ng mga tao sa paligid natin (tingnan sa Mateo 25:34–40). Inaanyayahan din natin sila na lumapit kay Cristo at umunlad sa landas ng tipan. Inanyayahan tayo ni Elder Jeffrey R. Holland na “gumawa tayo na kasama ang Panginoon ng ubasan, na tinutulungan ang ating Diyos at Ama sa mabigat na gawain Niya ng pagsagot sa mga panalangin, pagbigay ng alo, pagtuyo ng mga luha, at pagpapalakas ng mga nanghihina” (“Makapiling at Palakasin Sila,” Liahona, Mayo 2018, 103).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

“Paanyayang Kumilos”

“Isang Layunin ng Ministering” (pinaikling bersiyon)

“Bakit Tayo Nagmi-minister”

“Simple, Ginawa para sa Indibiduwal, at Ginagabayan ng Espiritu”

Larawan
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

“Dear to the Heart of the Shepherd [Nasa Puso ng Pastol]”

“Love One Another [Mahalin ang Bawat Isa]”

“Ye Elders of Israel [Mga Elder ng Israel]”

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Liham ng Unang Panguluhan: “Ministering sa pamamagitan ng Pinalakas na mga Korum ng Melchizedek Priesthood at mga Relief Society

Ano ang Ministering?

Mga Artikulo sa Magasin ng Simbahan tungkol sa mga Alituntunin ng Ministering

Ministering sa Pamamagitan ng Family History,” Liahona, Pebrero 2020

Pagtitipon ng Israel sa pamamagitan ng Ministering,” Liahona, Enero 2020

Ang Itinuturo sa Atin ng Kuwento ng Pasko Tungkol sa Ministering,” Liahona, Disyembre 2019

Nakakaligtaan ba Ninyo ang Mahalagang Alituntunin na Ito ng Ministering?Liahona, Oktubre 2019

Paano Kayo Matutulungan (at Tutulungan) ng Espiritu Santo na Magminister,” Liahona, Setyembre 2019

Matutulungan Ko ba ang Isang Tao na Magbago?Liahona, Agosto 2019

Paano Tayo Makalilikha ng Isang Kultura na Kabilang ang Lahat sa Simbahan?Liahona, Hulyo 2019

Ang Ministering ay ang Tingnan ang Iba na Tulad ng Pagtingin ng Tagapagligtas,” Liahona, Hunyo 2019

Paano Gagawing Masaya ang Ministering,” Liahona, Abril 2019

Paglinang ng Pakikiramay sa Pagmi-minister,” Liahona, Pebrero 2019

Ang Layunin na Magbabago sa Ating Ministering,” Liahona, Enero 2019

Ipaalam na Ikaw ay Nagmamalasakit,” Liahona, Disyembre 2018

Paghingi ng Tulong na Tulungan ang Iba,” Liahona, Oktubre 2018

Sumangguni tungkol sa Kanilang mga Pangangailangan,” Liahona, Setyembre 2018

Pagbubuo ng mga Makabuluhang Relasyon,” Liahona, Agosto 2018

Tumulong nang may Habag,” Liahona, Hulyo 2018

Limang Bagay na Ginagawa ng Mabubuting Tagapakinig,” Liahona, Hunyo 2018

Mga Manwal sa Pag-aaral

Media

Pag-oorganisa ng Pagmi-ministering

“Pangkalahatang Ideya Tungkol sa mga Ministering Interview”

“Isang Tulung-tulong na Pagsisikap”

Mga Larawan