Library
Tungkuling Pangalagaan at Paunlarin ang Kapaligiran


“Tungkuling Pangalagaan at Paunlarin ang Kapaligiran,” Mga Paksa at Tanong (2025)

kaparangan

Overview

Tungkuling Pangalagaan at Paunlarin ang Kapaligiran

Ang magandang mundong ito ay likha ng Diyos. Upang tunay na maging mapitagan sa Lumikha, dapat nating pahalagahan ang Kanyang mga likha. Ang mundo, lahat ng nilikha na may buhay, at ang kalawakan ng sansinukob ay malinaw na nagpapatotoo lahat tungkol sa Kanya. Bilang mga nakinabang sa banal na paglikhang ito, “Kailangang alagaan natin ang mundo, maging matatalinong katiwala nito, at ingatan ito para sa mga darating na salinlahi.”

Ang mundo at lahat ng nilikha ng Diyos rito ay bahagi ng Kanyang plano para sa pagtubos sa Kanyang mga anak at dapat gamitin “nang may karunungan, hindi sa kalabisan,” para maitaguyod ang pamilya ng sangkatauhan. Ang pangangalaga natin sa mundo ay “mahalagang bahagi rin ... ng ating pagiging disipulo” at responsibilidad ng bawat isa sa atin. Tayo ay mananagot sa Diyos sa ating pangangalaga sa mundo at sa mga nangangailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang “Caring for the Earth.”

Pinangangalagaan ng Diyos ang Mundo

Ipinakikita ng mga tala tungkol sa Paglikha na pinangangalagaan ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga nilikha—ang Kanyang mga anak, ang mundo, at lahat ng mga nilikha na may buhay dito. Ang mundo at ang lahat ng may buhay rito ay nilikha muna sa espirituwal, at ang iba’t ibang uri ng mga anyo ng buhay na nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa mundo ng kagandahan at pagkakaiba-iba nito.

Ang mundo at ang mga nilikha dito ay walang hanggan. Ang mundo sa huli ay pababanalin at tatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal. Ito ang magiging tahanan ng mabubuti, na magagalak sa piling ng Diyos.

Ang Papel na Ginagampanan ng Mundo sa Plano ng Kaligtasan

Ang mundo ang lugar kung saan nararanasan ng mga anak ng Diyos ang mortalidad, ginagamit ang kalayaan, natututo mula sa kanilang mga karanasan, humuhusay, at umuunlad. Higit sa lahat, sa mundo nagkaroon ng mortal na katawan ang Tagapagligtas at isinakatuparan ang walang kapantay na kaloob ng Kanyang Pagbabayad-sala sa pamamagitan ng pagdurusa para sa ating mga kasalanan, pagkamatay sa krus, at pagsasakatuparan ng Pagkabuhay na Mag-uli.

Tinuturuan din tayo ng mundo. Halimbawa, maaari nating matutuhan ang mga batas, alituntunin, at huwaran kung paano ito gumagana. Natututo tayo ng paggalang at pagpapakumbaba kapag inobserbahan natin ang kalikasan at ang makapangyarihang pwersa nito. Ang mundo ay nagbibigay-daan para makita natin ang mga likha ng Diyos na nagpapatotoo tungkol sa Kanya.

Tayo Ay Mga Katiwala ng Mundo at ng Mga Likas Na Yaman Nito

Pananagutin tayo ng Diyos para sa pangangalaga at pag-iingat sa mundo at sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman nito. Bilang mga katiwala, kailangan nating maging masigasig sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman ng mundo, na ginagamit lamang ang kung ano ang ating kailangan at pagkakaroon ng kamalayan sa mga epekto ng ating mga kilos sa kalikasan at sa iba.

Sinisikap nating gawing maganda ang ating mga tahanan, mga komunidad, at mga lungsod, na kinikilala na ang paggawa nito ay nangangailangan ng maingat na pagsasaalang-alang sa mga lokal na kalagayan. Iniingatan natin ang mga likas na yaman at pinangangalagaan para sa mga susunod na henerasyon ang espirituwal at temporal na mga pagpapala ng kalikasan.

Ang Mundo at ang Mga Likas na Yaman Nito ay Makapaglalaan para sa Lahat

Ang mundo ay mayroong napakaraming likas na yaman na makapaglalaan para sa buong sangkatauhan kung gagamitin nila ito ayon sa tagubilin ng Panginoon—para pangalagaan ang mga mahihirap at ang mga nangangailangan at hindi ito gamitin nang higit pa sa kailangan, umiwas sa pagsasayang, at hindi sapilitang pagkuha ng kung ano ang mayroon ang iba. Ang kasaganaan ng mundo ay dapat gamitin nang may karunungan at pa-iingat.

Ang Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at Pangangalaga sa Mundo

Bagama’t ang mundo ay magiging perpekto pagkatapos ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon, kailangan pa rin natin itong pangalagaan ngayon. Ibinigay ng Diyos bilang pagpapala sa atin ang mabubuting bagay na nagmumula rito. Ang mga ito ay naglalaan para sa ating temporal na mga pangangailangan at naghahatid sa atin ng kagalakan. Ang pagpapabaya o maling paggamit sa Kanyang mga likha ay nakasasakit sa Diyos.

Ano ang Ginagawa ng Simbahan Para Isabuhay ang Matalinong Pangangalaga at Pag-iingat

Para malaman ang iba pa tungkol sa kasalukuyang mga inisyatibo ng Simbahan sa pangangalaga ng kalikasan sa mga operasyon nito, sa mga humanitarian effort, at sa mga unibersidad, tingnan ang artikulo sa Church Newsroom na pinamagatang “Caring for the Earth—News.”

Paano Mo Mapangangalagaan ang Mundo

Para sa mga ideya kung paano pangangalagaan ang mundo nang personal at bilang isang komunidad, tingnan ang “Paano Natin Higit na Mapangangalagaan ang Mundo?””

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Nilalaman