“Pagpapatong ng mga Kamay,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Pagpapatong ng mga Kamay
Ang pagpapatong ng mga kamay ang pamamaraang inihayag ng Panginoon sa pagsasagawa ng maraming ordenansa ng priesthood, tulad ng kumpirmasyon, pag-oorden, pagtatalaga sa mga miyembro na maglingkod sa mga tungkulin, pangangasiwa sa maysakit, at pagbibigay ng iba pang mga basbas ng priesthood. Ipinapatong ng mga taong may wastong awtoridad ng priesthood ang kanilang mga kamay sa ulunan ng taong tatanggap ng ordenansa. Sa paggawa nito, sila ay nagsisilbing mga kasangkapan upang mabasbasan ng Diyos ang Kanyang mga anak.
Noon pa man, ang pamamaraan ng pagpapatong ng mga kamay ay ginagamit na ng mga maytaglay ng priesthood. Inorden ni Adan ang kanyang mabubuting inapong lalaki sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Nang basbasan ni Jacob sina Ephraim at Manases, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanilang mga ulunan. Si Alma ay “nag-orden … ng mga saserdote at elder, sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay alinsunod sa orden ng Diyos.” Ibinigay nina Apostol Pedro at Juan ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Sa dispensasyong ito, iginawad ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.