“Pasko,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Pasko
“Kapag nasa atin ang diwa ng Pasko, nasa atin ang Diwa ni Cristo, dahil ang diwa ng Pasko ay Diwa ni Cristo. Haharangan nito ang lahat ng gambala sa paligid natin na maaaring unti-unting magpawalang-halaga sa diwa ng Pasko at mag-alis sa tunay na kahulugan nito.
“Wala nang mas maganda pang panahon kaysa ngayon, sa Kapaskuhang ito, upang muling ituon nating lahat ang ating mga sarili sa mga alituntuning itinuro ni Jesucristo.
“Dahil Siya ay naparito sa mundo, may perpektong halimbawa tayong tutularan. Kapag sinikap nating maging higit na katulad Niya, magkakaroon tayo ng kagalakan at kaligayahan sa ating mga buhay at kapayapaan sa bawat araw ng taon. Ang Kanyang halimbawa, kung tutularan, ay magiging inspirasyon sa atin upang maging mas mabait at mapagmahal, mas magalang at mapagmalasakit sa iba.
“Dahil Siya ay naparito, may kabuluhan ang ating buhay sa mundo.
“Dahil Siya ay naparito, alam natin kung paano tutulungan ang mga naghihirap o nagdurusa, saanman sila naroroon.
“Dahil Siya ay naparito, nawala ang tibo ng kamatayan, at ang tagumpay ng libingan. Lahat tayo ay muling mabubuhay dahil Siya ay naparito.
“Dahil Siya ay naparito at nagbayad para sa ating mga kasalanan, may pagkakataon tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Ang Kapaskuhan ay panahon upang mag-isip at kumilos batay sa mga biyaya at oportunidad na mayroon tayo dahil sa kapanganakan, buhay, Pagbabayad-sala, at Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Dahil “gayon na lamang ang pag-ibig ng [ating Ama sa Langit] sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang [bugtong na] Anak,” ipinapahayag natin ang ating pagmamahal sa isa’t isa at sa Diyos at sa Kanyang mahal na Anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng ating mga sarili.