Library
Adiksyon


“Adiksyon,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

lalaking nananalangin

Buod

Adiksyon

Ang adiksyon ay isang patuloy na pagkagumon sa mapaminsalang bisyo o sangkap. Maaari nitong magambala ang kakayahang makinig sa Espiritu at malimitahan ang kalayaan. Maraming may problema sa adiksyon ang dumaranas ng kahihiyan o nakadarama na hindi sila minamahal. Maaaring makadama sila ng pagkadismaya at mawalan ng pag-asa na posible ang paggaling. Subalit sa Diyos, walang imposible. Ang lahat ay maaaring mapagaling at maprotektahan sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala.

“Ang adiksyon ay may kakayahang tanggalin ang kalooban ng tao at pawalang-saysay ang kalayaang moral.”

“Sa inyo na nabiktima na ng anumang uri ng adiksyon, may pag-asa dahil mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak at dahil ang Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo ay gagawing posible ang lahat ng bagay.

“Nasaksihan ko na ang kagila-gilalas na pagpapala ng paggaling na magpapalaya sa isang tao mula sa mga tanikala ng adiksyon. Ang Panginoon ang ating Pastol, at hindi tayo mangangailangan kapag nagtiwala tayo sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala. Alam ko na mapapalaya at palalayain ng Panginoon ang mga taong nalulong mula sa kanilang pagkaalipin, dahil ayon kay Apostol Pablo, ‘Lahat ng mga bagay ay aking magagawa [sa pamamagitan ni Cristo na] nagpapalakas sa akin’ (Filipos 4:13).”

Tingnan ang addictionrecovery.ChurchofJesusChrist.org para sa iba pang impormasyon.

Kaugnay na Content

Kaugnay na mga Paksa

Mga Tala

  1. Tingnan sa Lucas 1:37.

  2. Boyd K. Packer, “Revelation in a Changing World,” Ensign, Nob. 1989, 14.

  3. M. Russell Ballard, “O Yaong Tusong Plano Niyang Masama,” Liahona, Nob. 2010, 110.