Library
Priest


Larawan

Pag-aaral ng Doktrina

Priest

Buod

Ang priesthood ay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ang priest ay isang katungkulan sa Aaronic Priesthood. Simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 16 na taong gulang, ang mga karapat-dapat na kabataang lalaki ay maoorden sa katungkulan ng priest—katungkulang hawak nila hanggang sa matanggap nila ang Melchizedek Priesthood. Ang mga bagong miyembrong adult na kalalakihan ay inoorden din na mga priest sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kanilang binyag.

Inoorganisa ang mga priest sa mga korum sa kanilang mga ward at branch. Ang bishop o branch president ang tumatayong pangulo ng priests quorum at kasama nila sa council, itinuturo sa kanila ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:87–88).

Ginagampanan ng isang priest ang lahat ng responsibilidad ng deacon at teacher. Responsibilidad din niya ang mga sumusunod (tingnan sa Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan, 8.1.1.3):

  • Siya ang nangangasiwa sa sakramento at nag-aalay ng mga panalangin ng sakramento (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:46, 77, 79; tingnan din sa Hanbuk 2, 20.4.3).

  • Dapat siyang “mangaral, magturo, magpaliwanag, manghikayat, … at dumalaw sa bahay ng bawat kasapi, at hikayatin silang manalangin nang malakas at nang lihim at isagawa ang lahat ng tungkulin na pang mag-anak” (Doktrina at mga Tipan 20:46–47).

  • Kapag binigyan ng awtoridad ng bishop, siya ay nagbibinyag, nagkakaloob ng Aaronic Priesthood at nag-oorden ng mga deacon, teacher, at priest (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:46, 48).

  • Nagbibinyag siya para sa mga patay sa templo.

  • Tinutulungan niya ang bishopric sa iba pang mga paraan na naaayon sa katungkulan ng isang priest.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

“Aaronic Priesthood,” Hanbuk 2, 8

Mga Magasin ng Simbahan

“Isang Priest na Humarap sa Hamon,” Liahona, Marso 2005

“Ang Korum ng mga Priest,” Liahona, Marso 2005

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento