Library
Kalusugan


“Kalusugan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

lalaki at babae na tumatakbo

Buod

Kalusugan

Ang pagpapanatili ng pinakamainam na pisikal na kalusugan ay magandang ideya ng ebanghelyo sa lahat ng mga panahon—mula sa mahigpit na batas sa pagkain ng sinaunang Israel, na may halimbawa ni Daniel at ng kanyang mga kasamahan, hanggang sa Word of Wisdom sa dispensasyong ito at sa payo ng mga propeta at apostol ngayon. Ang pisikal na katawan ay kaloob ng Diyos at dapat alagaan at igalang sa wastong paraan. Mahalaga rin ang mental health o kalusugan ng isipan at hindi dapat ipagwalang-bahala, dahil maaari itong makaapekto sa atin kapwa sa pisikal at espirituwal. Kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang alagaan kapwa ang ating katawan at isipan.

“Ang Panginoon ay nagtakda ng mataas na pamantayan para sa atin nang sabihin Niyang ituring nating templo ang ating katawan. … [Siya] ay nagtatag ng ilang pangunahing pamantayan para sa pamamahala ng ating pisikal na katawan” at kalusugan ng isipan upang tayo ay maging mas self-reliant at mas handa na umunlad nang personal, palakasin ang pamilya, at maglingkod sa Simbahan at komunidad.

Kaugnay na Content