Library
Pag-oorden Noon Pa Man


“Pag-oorden Noon Pa Man,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

mural ng kalawakan

Buod

Pag-oorden Noon Pa Man

Sa daigdig ng mga espiritu bago tayo isinilang, pumili ang Diyos ng ilang espiritu na tutupad sa mga natatanging misyon sa mundo. Tinatawag itong pag-oorden noon pa man. Ang pag-oorden noon pa man ay hindi garantiya na tatanggap ng mga tiyak na tungkulin o responsibilidad ang mga tao. Dumarating sa buhay na ito ang gayong mga oportunidad bunga ng matwid na paggamit ng kalayaang pumili, tulad ng pag-oorden noon pa man sa isang tao bunga ng kabutihan niya sa buhay bago tayo isinilang.

Si Jesucristo ay inorden noon pa man upang isakatuparan ang Pagbabayad-sala, naging “Kordero na pinaslang buhat nang itatag ang sanlibutan.”

May iba pang binanggit sa mga banal na kasulatan na inorden na noon pa man. Nalaman ng propetang si Abraham ang tungkol sa kanyang pagkaorden noon pa man nang makatanggap siya ng pangitain kung saan nakita niya na “marami ang marangal at dakila” sa mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu bago tayo isinilang. Sinabi niya: “At nakita ng Diyos ang mga kaluluwang ito na sila ay mabubuti, at siya ay tumayo sa gitna nila, at kanyang sinabi: Ang mga ito ang gagawin kong mga tagapamahala; sapagkat siya ay nakatayo sa mga espiritung yaon, at kanyang nakita na sila ay mabubuti; at kanyang sinabi sa akin: Abraham, isa ka sa kanila; ikaw ay pinili bago ka pa man isinilang” Sinabi ng Panginoon kay Jeremias, “Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa.” Si Juan Bautista ay inorden noon pa man para ihanda ang mga tao para sa mortal na ministeryo ng Tagapagligtas.

Ang doktrina ng pag-oorden noon pa man ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan, hindi lamang sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga propeta. Bago nilikha ang daigdig, nabigyan na ng tiyak na mga responsibilidad ang matatapat na kababaihan at inorden na noon pa man sa tiyak na mga tungkulin sa priesthood ang matatapat na kalalakihan. Kapag naipapakita ng mga tao na karapat-dapat sila, bibigyan sila ng mga oportunidad na matupad ang mga tungkuling natanggap nila noon.

Mga Kaugnay na Paksa

Kaugnay na Content