“Pagsusugal,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)
Buod
Pagsusugal
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay tutol sa pagsusugal, kabilang na ang mga loterya na tinatangkilik ng mga pamahalaan. Hinikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro ng Simbahan na makiisa sa mga tao na tumututol sa legalisasyon at pagtangkilik ng pamahalaan sa anumang uri ng sugal.
Ang pagsusugal ay udyok ng hangaring makuha ang isang bagay na hindi pinagpaguran. Ang hangaring ito ay nakakasira sa espirituwal. Inilalayo nito ang mga taong gumagawa nito sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa pagmamahal at paglilingkod at inilalapit sa kasakiman ng kaaway. Sinisira nito ang mga kabutihan ng pagtatrabaho at pagtitipid at ang pagnanais na magbigay ng tapat na pagsisikap sa lahat ng ating ginagawa.
Kalaunan ay matutuklasan ng mga nagsusugal ang panlilinlang sa ideya na maaari silang magbigay ng kaunti o wala at kapalit nito ay makatatanggap sila ng malaking halaga. Matatanto nila na nawalan sila ng malaking halaga ng pera, ng kanilang sariling karangalan at respeto ng mga kapamilya at kaibigan. Nalinlang at nalulong, madalas na nagagamit nila sa sugal ang mga pondo na dapat nilang gamitin para sa iba pang mga layunin, tulad ng pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang mga sugarol kung minsan ay nagiging alipin at desperadong magbayad ng mga utang sa sugal na humahantong sa pagnanakaw, dinudungisan ang kanilang sariling magandang pangalan.
Mga Kaugnay na Paksa
-
Pananalapi ng Pamilya