Buod
Pagtugon sa Emergency
Buod
“Ang pagsunod kay Cristo ay hindi isang kaswal o paminsan-minsang gawain kundi tuluy-tuloy na pangako at uri ng pamumuhay na angkop sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar.”
Bilang mga miyembro ng Simbahan, nadarama natin na tungkulin nating tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at tulungan ang mga nangangailangan, sino man sila.
“Tungkol sa kung gaano karami … ang ibibigay ng isang tao … walang ibinigay sa atin na espesyal na mga tagubilin; … dapat niyang pakainin ang nagugutom, damitan ang hubad, tulungan ang mga balo, pahirin ang luha ng mga ulila, aliwin ang nagdurusa, sa simbahan mang ito, o sa ibang [simbahan], o sa walang kinabibilangang simbahan, saanman niya makita sila.”
Ang isang paraan na nakatutulong tayo sa iba ay sa pamamagitan ng ating mga pagsisikap na tumugon sa emergency.
Paano tumutugon ang Simbahan sa emergency?
Ang Simbahan ay nagbibigay ng tulong sa mga sitwasyon na may labanan sa loob ng isang bansa, taggutom, at mga kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng short-term resources tulad ng pagkain, tubig, tirahan, damit, medical supplies, at hygiene kit.
Ang pagtugon sa emergency ay isinasakatuparan sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamunuan, kadalasan ay sa pakikipagtulungan sa lokal at internasyonal na mga relief organization. Tumutulong ang mga miyembro sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga suplay at pakikibahagi sa paglilinis.
Pagtugon sa Kalamidad
Kapag may trahedya, ipinatutupad ng mga lider ng ward at stake ang kanilang plano para sa emergency sa pamamagitan ng pagtitipon sa lugar na itinakda kung saan maaari nilang pangasiwaan ang mga tulong.
Ang mga lider ay nagtutulungan upang makumpleto ang mga nakatalagang gawain tulad ng nakasaad sa plano para sa emergency para sa mga missionary at miyembro (lalo na sa naunang natukoy sa mga worksheet ng Special Needs at Critical Information), ma-assess at makatugon sa mga pangangailangan, at mag-report sa pamunuan ng area.
Ang mga pagtugon sa emergency ay dapat na i-coordinate sa mga awtoridad ng pamahalaan at sa mga organisasyon ng komunidad sa pagtulong.
Mga Tuntunin para sa mga Plano para sa Emergency ng Ward at Stake
Mag-ulat
Kung may emergency, responsibilidad ng mga ward at stake council na mag-ulat tungkol sa bawat missionary at miyembro na nasasakupan ng kanilang area. Dapat nilang bigyan ng espesyal na pansin ang mga maaaring mangailangan ng karagdagang tulong (pagbibigay ng wheelchair, oxygen, espesyal na medikasyon, at iba pa).
Ang pag-uulat na ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga ministering brother at sister.
Mag-assess
I-assess ang mga pangangailangan ng missionary at miyembro, pinsala sa ari-arian ng Simbahan, at ang pangkalahatang kalagayan sa komunidad.
Tumugon
Makipagtulungan sa mga awtoridad ng pamahalaan at relief organization sa pagbibigay ng mga pangunahing probisyon at serbisyo—tulad ng pagkain, damit, kalinisan, tulong medikal, at pansamantalang tirahan sa mga taong nasira ang bahay o ari-arian, nagkaroon ng emosyonal na trauma, pinsala, o nawalan ng kabuhayan.
Mag-report
I-report ang kalagayan ng:
-
Mga missionary at miyembro (pati na rin ang kanilang mga lokasyon).
-
Tirahan ng mga miyembro.
-
Mga ari-arian ng Simbahan.
-
Ang komunidad (kabilang ang mga kalsada, public utility, komersyo, pasilidad, at imprastraktura).
Ang mga pangangailangang ito ay dapat i-report sa pamamagitan ng paraan ng pakikipag-ugnayan na itinakda ng bishop, stake president, at area leadership.
Mga Meetinghouse bilang mga Emergency Shelter
Pagkatapos ng kalamidad, kinakailangang ipagamit kung minsan ang meetinghouse bilang emergency shelter ng komunidad. Ang pahintulot ay ibinibigay ng stake president, matapos sumangguni sa isang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu o sa Area Presidency. Matapos matanggap ang pahintulot, dapat makipag-ugnayan ang priesthood leader sa kanilang physical facilities representative (PFR) ng Simbahan.
Mga Tuntunin sa Paggamit ng mga Meetinghouse Bilang Emergency Shelter
Paano ako makatutulong sa panahon ng emergency?
Direktang Makibahagi
Kung tumanggap ka ng first aid training o may iba pang mahahalagang skill, maaari kang magbigay ng agarang tulong sa kritikal na sitwasyon. Ipakilala ang iyong sarili at ibigay ang iyong mga kredensyal sa kung sino man ang namamahala, at hayaang sabihin niya sa iyo ang iyong gagawin.
Kalapit na Ward o Stake
Maaaring hikayatin ng mga priesthood leader ang mga miyembro sa mga kalapit na ward at stake na tumulong sa pamamagitan ng pangangalap at pagtitipon ng mga suplay, pagtulong sa paglilinis pagkatapos ng kalamidad, at iba pang mga gawain.
Pagtitipon ng mga Suplay
Ang mga miyembrong nakatira sa kalapit na ward o stake ay maaaring magboluntaryo na magtipon ng mga suplay para sa mga naapektuhan ng kalamidad, tulad ng:
-
Mga kumot.
-
Mga damit.
-
Mga emergency medical supply.
-
Pagkain.
-
Mga hygiene kit.
Paglilinis Pagkatapos ng Kalamidad at Kaligtasan ng mga Volunteer ng Simbahan
Ang mga ward at stake sa kalapit na mga komunidad ay maaaring mag-organisa ng mga volunteer na tutulong sa paglilinis ng komunidad pagkatapos ng kalamidad. Ang mga relief team na ito ay tutulong sa paglilinis ng mga bahay, parke, at iba pang mga pasilidad.
Lahat ng mga volunteer ay dapat sumunod sa mga tuntunin sa kaligtasan ng Simbahan para sa paglilinis pagkatapos ng kalamidad:
-
Magsuot ng angkop na damit at kagamitang pangkaligtasan.
-
Uminom ng maraming tubig.
-
Iwasan ang paghawak sa mga mapanganib na kemikal.
-
Maging alerto sa mga basag na salamin, pako, at iba pang matutulis na bagay.
-
Mag-ingat kapag naglilinis sa paligid ng mold (amag) o asbestos.
-
Gamutin kaagad ang mga sugat nang maayos.
Mga Tuntunin sa Paglilinis Pagkatapos ng Kalamidad at Kaligtasan ng mga Volunteer ng Simbahan
Mga Donasyon
Ang mga miyembro ay maaaring mag-ambag sa Church Humanitarian Aid Fund gamit ang Tithing and Other Offerings donation slip. Ginagamit ng Simbahan ang mga donasyong ito sa pagbili ng mga lokal na suplay. Sa pagbili ng mga lokal na kalakal, hindi na kailangan pang magbayad ng Simbahan sa customs at shipping fee, napapasigla ang nanghinang ekonomiya, at nagbibigay ng mga produktong pamilyar sa mga tatanggap.
Mag-volunteer
Hinihikayat ang mga ward, pamilya, at indibiduwal na makibahagi sa lokal na mga proyekto sa pagtulong kung praktikal.