“Konsiyensya,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Konsiyensya
Ang lahat ng tao ay isinilang na may kakayahang matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali. Ang kakayahang ito, na tinatawag na konsiyensya, ay isang pagpapamalas ng Liwanag ni Cristo. Ang konsiyensya ng isang tao ay isang panangga laban sa mga sitwasyon na espirituwal na nakapipinsala.
Ang mga matwid na desisyon at pagsunod sa mga kautusan ay naghahatid ng kapayapaan ng konsiyensya.
Kapag nagkakasala tayo, nakadarama tayo ng pagsisisi o pagkabagabag, tulad ng nadarama nating pisikal na sakit kapag nasusugatan tayo. Ito ang natural na tugon ng ating konsiyensya sa pagkakasala, at maaari tayong akayin nitong magsisi.
Ang pagsisisi at kapatawaran ay nagpapanibago sa kapayapaan ng ating konsiyensya. Sa kabilang dako, kung babalewalain natin ang ating konsiyensya at hindi tayo magsisisi, mapipinsala ang ating konsiyensya na para bang ito ay “tinatakan ng nagbabagang bakal.”
Dapat tayong matutong sundin ang ating konsiyensya. Mahalagang bahagi ito ng paggamit ng kalayaan. Kapag mas sinusunod natin ang ating konsiyensya, mas tatatag ito. Ang sensitibong konsiyensya ay tanda ng isang malusog na espiritu.