“Home Evening,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Home Evening
Pinayuhan ng mga propeta ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na mahalin ang Diyos at sundin ang Kanyang mga utos. Ang home evening ay itinalagang oras sa bawat linggo para pag-aralan ng mga indibiduwal at pamilya ang ebanghelyo at magkasama-sama.
Maaaring kabilang sa mga home evening ang panalangin nagpapasiglang musika, pagtuturo ng ebanghelyo, paglilingkod, pagbabahagi ng mga talento, at aktibidad. Dapat ding isama dito ang mga family council, kung saan nagtatakda ng mga mithiin ang mga miyembro ng pamilya, nilulutas ang mga problema, nag-aayos ng mga iskedyul, at nagbibigay ng suporta sa isa’t isa.
Ang regular na personal at pampamilyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay maaaring suportahan ng lingguhang home evening. Ang mga mungkahi para sa mga family home evening ay matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at sa mga magasin ng Simbahan.
Ang mga miyembrong walang asawa at iba pa ay maaaring magtipon sa mga grupo sa labas ng karaniwang oras ng pagsamba sa araw ng Sabbath upang makibahagi sa mga home evening at palakasin ang isa’t isa.
Ang mga home evening ay maaaring idaos tuwing Linggo, Lunes, o sa ibang pagkakataon na pinakamainam na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao at pamilya. Ang mga lider ay dapat walang mga miting at aktibidad sa Simbahan tuwing Lunes ng gabi. Lahat ay mabibiyayaan sa pakikibahagi sa mga home evening. Mapapalakas ang relasyon kapag magkakasama ang mga miyembro ng pamilya.
Kaugnay na mga Paksa
Kaugnay na Content
-
Resources para sa mga bata