Library
Ebanghelyo


“Ebanghelyo,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

si Jesucristo at ang Kanyang mga Apostol

Buod

Ebanghelyo

Ang ebanghelyo ang plano ng kaligayahan ng ating Ama sa Langit. Ang pinakasentro ng doktrina ng ebanghelyo ay ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Sinabi ni Propetang Joseph Smith, “Ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng Ebanghelyo ay: una, Pananampalataya sa Panginoong Jesucristo; pangalawa, Pagsisisi; pangatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan; pang-apat, Pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo.”

Sa kabuuan nito, kabilang sa ebanghelyo ang lahat ng doktrina, alituntunin, batas, ordenansa, at tipan na kailangan natin upang madakila sa kahariang selestiyal. Nangako ang Tagapagligtas na kung magtitiis tayo hanggang wakas, na tapat na ipinamumuhay ang ebanghelyo, pawawalang-sala Niya tayo sa harapan ng Ama sa Huling Paghuhukom.

Ang kabuuan ng ebanghelyo ay naipangaral na sa lahat ng panahon kung kailan handa na ang mga anak ng Diyos na tanggapin ito. Sa mga huling araw, o sa dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon, naipanumbalik ang ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.

Mga Kaugnay na Paksa

Kaugnay na Content