Library
Mga Membership Council


“Mga Membership Council,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

Gentle Shepherd [Magiliw na Pastol], ni Youngsung Kim

Buod

Mga Membership Council

Mahal ng ating Ama sa Langit ang bawat isa sa atin at nais Niyang makabalik tayo sa Kanyang piling. Dahil lahat tayo ay nagkakasala, binigyan Niya tayo ng kaloob na pagsisisi, na “susi sa kaligayahan at kapayapaan ng isip. … Kapag pinipili nating magsisi, pinipili nating … umunlad sa espirituwal na paraan at makatanggap ng kagalakan.”

Kadalasan, ang pagsisisi ay nagaganap sa pagitan ng indibiduwal, ng mapagmahal na Diyos, at ng mga taong naapektuhan ng mga kasalanan ng isang tao. Gayunman, kung ang isang miyembro ng Simbahan ay nakagawa ng malubhang kasalanan, maaaring kailanganin ng bishop o ng stake president na tulungan siya sa pagsisisi.

Bilang bahagi ng kanyang pagsisisi sa malubhang kasalanan, maaaring mawala sa isang miyembro ang ilang pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan sa loob ng ilang panahon. Ang mga desisyon tungkol sa mga pribilehiyo ng pagiging miyembro at pagiging miyembro ay ginagawa kung minsan sa isang membership council. Ang mga layunin ng mga membership council ng Simbahan ay makatulong na protektahan ang iba, tulungan ang isang tao na ma-access ang mapagtubos na kapangyarihan ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi, at protektahan ang integridad ng Simbahan.

Sa membership council, ang bishop o stake president ang magpapasiya sa pamamagitan ng payo at diwa ng pagmamahal at inspirasyon mula sa Panginoon kung mananatili ang tao sa mabuting kalagayan o kung dapat limitahan o bawiin ang pagiging miyembro ng isang tao sa Simbahan.

Ang pagbibigay ng restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro ng isang tao ay hindi nilayong maging parusa. Sa halip, ang mga aksyon na ito ay kinakailangan kung minsan upang matulungan ang isang tao na makapagsisi at magkaroon ng pagbabago ng puso. Binibigyan din ng mga ito ang isang tao ng panahon para makapaghanda sa espirituwal upang panibaguhin at tuparing muli ang kanyang mga tipan. Kapag nagsisi ang isang tao, maaaring mapalakas siya at makahanap ng suporta sa pagdalo sa mga serbisyo at aktibidad sa Simbahan. Kapag ang isang tao ay taos-pusong nagsisisi, maaaring maipanumbalik sa kanya ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga membership council ng Simbahan, tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabanata 32, ChurchofJesusChrist.org.

Kaugnay na Content