Library
Aaronic Priesthood


“Aaronic Priesthood,” Mga Paksa at mga Tanong (2025)

ordinasyon sa Aaronic Priesthood

Overview

Aaronic Priesthood

Ang priesthood ay ang walang hanggang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ang Aaronic Priesthood ay kadalasang tinatawag na panimulang priesthood Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay naghahandang tanggapin ang mas nakatataas na Melchizedek Priesthood.

Habang naglilingkod ang isang kabataang lalaki sa Aaronic Priesthood, naghahanda rin siyang matanggap ang mga pagpapala ng templo, , maglingkod ng full-time mission, maging isang mapagmahal na asawa at ama, at magpatuloy sa habambuhay na paglilingkod sa Panginoon.

Ang Aaronic Priesthood ay ipinanumbalik sa mundo nang igawad ito ni Juan Bautista kina Joseph Smith at Oliver Cowdery noong Mayo 15, 1829. Sa Simbahan ngayon, ang mga karapat-dapat na miyembrong lalaki ay maaaring tumanggap ng Aaronic Priesthood simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 12 taong gulang. Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood, na karaniwang nasa edad na 11–17, ay tumatanggap ng maraming pagkakataong makilahok sa mga sagradong ordenansa ng priesthood at maglingkod. Ang mga kalalakihan na edad 18 pataas nang maging miyembro sila ng Simbahan ay tatanggapin din ang Aaronic Priesthood. Sila ay maglilingkod sa priesthood na ito habang sila ay naghahandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood.

Habang karapat-dapat na nagagampanan ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ang kanilang mga tungkulin, kinakatawan nila ang Panginoon at kumikilos sila sa Kanyang pangalan upang tulungan ang iba na matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

Mga Katungkulan sa Aaronic Priesthood

Ang mga katungkulan ng Aaronic Priesthood ay deacon, teacher, priest, at bishop.

Deacon. Sa Simbahan ni Jesucristo, ang mga kabataang lalaki ay maaaring maordenan sa katungkulan ng deacon simula sa Enero 1 ng taon kung kailan sila magiging 12 taong gulang. Sa pahintulot ng namumunong priesthood leader (karaniwan ang bishop o branch president), ang mga deacon ang nagpapasa ng sacrament. Tinutulungan nila ang mga bishop o branch president na pangalagaan ang mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagtulong sa mga temporal na bagay tulad ng pagkolekta ng mga handog-ayuno (kung saan praktikal).

Teacher. Ang mga kabataang lalaki ay maaaring maordenan sa katungkulan ng teacher simula sa Enero 1 ng taon kung kailan sila magiging 14 na taong gulang. Ang mga kabataang lalaki na ito ay maaaring gampanan ang lahat ng tungkulin ng mga deacon. Sila rin ay may karagdagang mga responsibilidad tulad ng paghahanda ng tinapay at tubig ng sakramento at paglilingkod bilang mga ministering brother.

Priest. Ang mga kabataang lalaki ay maaaring maordenan sa katungkulan ng priest simula sa Enero 1 ng taon kung kailan sila magiging 16 na taong gulang. Maaari nilang gampanan ang lahat ng tungkulin ng mga deacon at teacher. Sa pahintulot ng namumunong priesthood leader, maaari din silang magbasbas ng sakramento, magbinyag, magsagawa ng mga binyag para sa mga patay sa loob ng templo, at mag-orden ng iba sa mga katungkulan ng priest, teacher, at deacon.

Bishop. Ang bishop ay isang lalaking inorden at na-set apart bilang namumunong high priest sa ward, o kongregasyon. Siya ay may responsibilidad na pangasiwaan ang mga temporal at espirituwal na gawain ng kongregasyon. Inaalagaan ng mga bishop ang mga miyembro ng ward nang may pagmamahal at tinutulungan sila na sundin si Jesucristo. Sila ang nakatatanggap ng paghahayag para sa ward. Sila rin ay nagbibigay ng tulong sa welfare mula sa perang donasyon sa Simbahan para tulungan ang mga nahihirapan sa pinansiyal at sa iba pang aspekto ng buhay. Dagdag pa rito, pinamamahalaan din nila ang mga talaan at pananalapi ng ward at ang pangangalaga at paggamit ng kanilang lokal na meetinghouse.

Mga Aaronic Priesthood Quorum

Ang priesthood quorum ay isang organisadong grupo ng kalalakihan o kabataang lalaki na mayhawak ng priesthood. Ang mga miyembro ng korum “ay naglilingkod sa iba, tumutupad sa mga responsibilidad sa priesthood, bumubuo ng pagkakaisa, at pinag-aaralan at ipinamumuhay ang doktrina.” Inoorganisa ang mga korum para sa Melchizedek Priesthood at Aaronic Priesthood. Ang tatlong korum sa Aaronic Priesthood ay ang deacons quorum, teachers quorum, at priests quorum.

Ang mga Aaronic Priesthood quorum ay pinamumunuan ng isang president na na-set apart, o binigyan ng awtoridad ng priesthood, na mamuno. Para sa mga deacons quorum at teachers quorum, ang president ay isang kabataang lalaki sa korum; ang bishop ang president ng priests quorum. Ang president ay binibigyan ng mga susi ng priesthood na kinakailangan—o ang karapatan—para gampanan ang mga responsibilidad ng calling na iyon. Kung saan maaari, ang mga Aaronic Priesthood quorum ay mayroon ding mga counselor (para sa mga deacon quorum at teachers quorum) at mga assistant (para sa priests quorum) na tinawag para suportahan ang president at para bumuo ng isang presidency. Maaari din silang magkaroon ng isang quorum secretary.

Mga Kaugnay na Paksa

Kaugnay na Nilalaman