“Family History,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)
Buod
Family History
Ang family history ay pagtuklas at pag-alam sa iba pang bagay tungkol sa ating mga kapamilya at pagtitipon at pag-iingat ng impormasyon tungkol sa kanila. Ito rin ay pagsasagawa ng mga nakapagliligtas na ordenansa para sa kanila sa mga templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang mga pamilya ang sentro ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Naghanda Siya ng paraan upang maipagpatuloy ang mga ugnayan ng pamilya sa buong kawalang-hanggan. Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawain sa templo at family history, natutuklasan natin ang iba pa tungkol sa ating mga sarili at sa ating mga ninuno. Maaari tayong magkaroon ng ugnayan sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mahahalagang ordenansa para sa kanila sa mga templo. Habang tinutulungan natin ang ating mga yumaong kapamilya na sumulong sa landas ng tipan, mapag-iibayo natin ang impluwensya ng Espiritu sa ating mga buhay at mapalalalim natin ang ating mga patotoo tungkol sa plano ng kaligtasan.
Maaari ring mapatibay ng family history ang ating mga ugnayan sa ating mga buhay na kapamilya. Habang nagbabahagi tayo ng ating mga natuklasan, kuwento, larawan, at iba pang alaala, pinatitibay natin ang samahan ng pamilya at pinalalakas natin ang pagmamahal ng ating mga kapamilya sa isa’t isa. Sa ganitong diwa, ang family history ay hindi lamang pagsasaliksik ng mga pangalan, petsa, at lugar.
Naglalaan Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ng libreng serbisyo, ang FamilySearch, na tumutulong sa mga tao na magkaroon ng ugnayan sa kanilang mga pamilya. Ang pandaigdigang serbisyo na ito ay naglalaan ng mga kasangkapan, paglilingkod, at teknolohiya upang matulungan ang lahat ng tao na matuklasan, matipon, at magkaroon ng ugnayan ang kanilang mga pamilya—sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Alamin ang iba pa kung paano mo maaaring simulan ang iyong family history at kung paano nito mapagpapala ang iyong buhay.
Mga Kaugnay na Paksa
-
Mga Ordenansa