Bahagi 2
Isang sipi mula sa kasaysayan ni Joseph Smith na isinasalaysay ang mga salita ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith, ang Propeta, habang nasa bahay ng ama ng Propeta sa Manchester, New York, noong gabi ng Setyembre 21, 1823. Si Moroni ang pinakahuli sa mahabang hanay ng mga mananalaysay na gumawa ng talaan na nasa daigdig ngayon bilang Aklat ni Mormon. (Ihambing sa Malakias 4:5–6; gayundin sa mga bahagi 27:9; 110:13–16; at 128:18.)
1, Ipahahayag ni Elijah ang pagkasaserdote; 2–3, Itinatanim ang mga pangako ng mga ama sa mga puso ng mga anak.
1 Dinggin, ipahahayag ko sa inyo ang Pagkasaserdote sa pamamagitan ng kamay ni Elijah, ang propeta, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon.
2 At kanyang itatanim sa mga puso ng mga anak ang mga pangakong ginawa sa mga ama, at ang mga puso ng mga anak ay babaling sa kanilang mga ama.
3 Kung hindi magkagayon, ang buong mundo ay lubos na mawawasak sa kanyang pagparito.