Mga Banal na Kasulatan
    Ang Doktrina at mga Tipan 123
    Footnotes
    Theme

    Bahagi 123

    Tungkulin ng mga Banal kaugnay sa kanilang mga taga-usig, ayon sa ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, habang isang bilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri, Marso 1839 (History of the Church, 3:302–303).

    1–6, Ang mga Banal ay nararapat na magtipon at maglathala ng isang ulat ng kanilang mga pagdurusa at pag-uusig; 7–10, Ang yaon ding espiritu na naglathala ng mga maling doktrina ang siya ring nagdala sa pag-uusig sa mga Banal; 11–17, Marami sa lahat ng sekta ang tatanggap pa ng katotohanan.

    1 At muli, aming iminumungkahi para sa inyong pagsasaalang-alang ang kaangkupan ng pagtitipon ng mga banal ng kaalaman ng tunay na pangyayari, at mga pagdurusa at pagmamalabis na ginawa sa kanila ng mga tao ng Estadong ito;

    2 At gayon din ang lahat ng ari-arian at halaga ng mga pinsalang kanilang dinanas, kapwa sa kanilang pagkatao at kapinsalaan sa kanilang sarili, gayon din sa kanilang ari-arian;

    3 At gayon din ang mga pangalan ng lahat ng taong may kinalaman sa kanilang mga kaapihan, sa abot ng kanilang makakayang matamo ang mga ito at makilala sila.

    4 At marahil isang lupon ang maaaring italaga upang alamin ang mga bagay na ito, at kumuha ng mga salaysay at sinumpaang pahayag; at ipunin din ang mga mapanirang-puring lathalaing kumakalat;

    5 At lahat ng yaong nasa mga magasin, at sa mga ensiklopedya, at lahat ng mapanirang-puring kasaysayan na inilathala, at mga isinusulat, at sa pamamagitan nino, at iharap ang kabuuan ng napakatampalasan at napakasama at nakamamatay na pagsasamantalang ginawa sa mga taong ito—

    6 Upang hindi lamang natin mailathala sa buong daigdig, kundi iharap ang mga ito sa mga pinuno ng pamahalaan sa lahat ng kanilang maitim at mala-impiyernong kulay, bilang huling gawaing ipinag-utos sa atin ng ating Ama sa Langit, bago natin ganap at lubusang maangkin ang yaong pangako na tatawag sa kanya mula sa kanyang apinagkukublihang lugar; at gayon din nang ang buong bansa ay mawalan ng dahilan bago niya maipakita ang lakas ng kanyang makapangyarihang bisig.

    7 Ito ay isang mahalagang tungkulin na utang natin sa Diyos, sa mga anghel, na kung kanino tayo dadalhin upang tumayo, at gayon din sa ating sarili, sa ating mga asawa at anak, na ginawang payukuin sa pighati, lungkot, at pag-aalala, sa ilalim ng kasumpa-sumpang kamay ng pagpaslang, paniniil, at pang-aapi, itinaguyod at hinimok at pinagtibay sa pamamagitan ng impluwensiya ng yaong espiritu na matibay na nagpako ng mga doktrina ng mga ama, na nagmana ng mga kasinungalingan, sa mga puso ng mga anak, at pinuspos ang mundo ng kalituhan, at tumitibay nang tumitibay, at siya ngayong pinakaugat ng lahat ng katiwalian, at ang buong amundo ay dumaraing sa ilalim ng bigat ng pagkakasalang ito.

    8 Ito ay isang bakal na apamatok, ito ay isang matibay na panggapos; ang mga ito ay mga yaong posas, at tanikala, at gapos, at mga pataw ng impiyerno.

    9 Samakatwid ito ay isang mahalagang tungkulin na utang natin, hindi lamang sa sarili nating mga asawa at anak, kundi gayon din sa mga balo at ulila sa ama, na ang mga asawa at ama ay apinaslang sa ilalim ng kamay na bakal nito;

    10 Na ang madilim at nagpapaitim na mga gawa ay sapat upang ang impiyerno na rin ay mangatog, at mangilabot at mamutla, at ang mga kamay na rin ng diyablo ay mayanig at manginig.

    11 At gayon din ito ay isang mahalagang tungkulin na utang natin sa lahat ng sumisibol na salinlahi, at sa lahat ng may dalisay na puso—

    12 Sapagkat marami pa sa mundo sa lahat ng pangkat, grupo, at sekta, na abinubulag ng pandaraya ng mga tao, kung saan sila ay naghihintay upang manlinlang, at na napagkakaitan lamang ng katotohanan sapagkat hindi nila balam kung saan ito matatagpuan—

    13 Samakatwid, na ating gugulin at ilaan ang ating buhay sa pagdadala sa liwanag ng lahat ng anakukubling bagay ng kadiliman, na alam natin ang mga ito; at ang mga yaon ay tunay na ipinakikita mula sa langit—

    14 Ang mga ito ay nararapat na asikasuhin nang may ganap na pagsusumikap.

    15 Huwag ituring na maliit na bagay ang mga ito ng sinumang tao; sapagkat marami pang naghihintay sa hinaharap, na may kinalaman sa mga banal, na nakasalalay sa mga bagay na ito.

    16 Nalalaman ninyo, mga kapatid, na ang isang malaking sasakyang-dagat ay labis na anatutulungan ng isang napakaliit na timon sa oras ng bagyo, sa pamamagitan ng paggamit nito nang naaayon sa hangin at mga alon.

    17 Samakatwid, mga minamahal na kapatid, ating amalugod na gawin ang lahat ng bagay sa abot ng ating makakaya; at pagkatapos nawa tayo ay makatayong hindi natitinag, na may lubos na katiyakan, na makita ang bpagliligtas ng Diyos, at upang ang kanyang bisig ay maipahayag.