Mga Banal na Kasulatan
    Ang Doktrina at mga Tipan 15
    Footnotes
    Theme

    Bahagi 15

    Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay John Whitmer, sa Fayette, New York, Hunyo 1829 (History of the Church, 1:50). (Tingnan sa ulo ng bahagi 14.) Ang mensahe ay lubhang personal dahil sa sinasabi ng Panginoon ang tungkol sa yaong tanging siya lamang at si John Whitmer ang nakaaalam. Pagkatapos si John Whitmer ay naging isa sa Walong Saksi sa Aklat ni Mormon.

    1–2, Ang bisig ng Panginoon ay nasa buong mundo; 3–6, Ang mangaral ng ebanghelyo at magligtas ng mga kaluluwa ang bagay na pinakamahalaga.

    1 Makinig, aking tagapaglingkod na John, at pakinggan ang mga salita ni Jesucristo, na iyong Panginoon at iyong Manunubos.

    2 Sapagkat masdan, ako ay nangungusap sa iyo nang matalim at may akapangyarihan, sapagkat ang aking bisig ay nasa buong mundo.

    3 At aking sasabihin sa iyo ang yaong walang sinuman ang nakaaalam maliban sa akin at sa iyo lamang—

    4 Sapagkat maraming ulit mo nang ninais sa akin na malaman kung alin ang magiging pinakamahalaga para sa iyo.

    5 Masdan, pinagpala ka dahil sa bagay na ito, at sa pagpapahayag ng aking mga salita na aking ibinigay sa iyo alinsunod sa aking mga kautusan.

    6 At ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo, na ang bagay na magiging pinakamahalaga para sa iyo ay amagpahayag ng pagsisisi sa mga taong ito, upang ikaw ay makapagdala ng mga kaluluwa sa akin, upang ikaw ay bmakapagpahinga kasama nila sa ckaharian ng aking dAma. Amen.