Mga Banal na Kasulatan
    Ang Doktrina at mga Tipan 102
    Footnotes
    Theme

    Bahagi 102

    Ang katitikan ng pagkakatatag ng unang mataas na kapulungan ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio, ika-17 ng Pebrero 1834 (History of the Church, 2:28–31). Ang orihinal na katitikan ay naitala nina Elder Oliver Cowdery at Orson Hyde. Pagkaraan ng dalawang araw, ang katitikan ay iwinasto ng Propeta, binasa sa mataas na kapulungan, at tinanggap ng kapulungan. Talata 30 hanggang 32, may kinalaman sa Kapulungan ng Labindalawang Apostol, ay idinagdag ni Propeta Joseph Smith noong 1835 nang kanyang ihanda ang bahaging ito para sa paglilimbag ng Doktrina at mga Tipan.

    1–8, Isang mataas na kapulungan ang itinalaga upang isaayos ang mahahalagang suliranin na nagaganap sa Simbahan; 9–18, Ang mga pamamaraan ay ibinigay para sa paglilitis ng mga usapin; 19–23, Ang pangulo ng kapulungan ang magbibigay ng pasiya; 24–34, Ang pamamaraan ukol sa paghahabol ay ipinahayag.

    1 NgayonG araw na ito isang pangkalahatang pagpupulong ng dalawampu’t apat na mataas na saserdote ang nagtipon sa bahay ni Joseph Smith, Jun., sa pamamagitan ng paghahayag, at nagpatuloy upang itatag ang amataas na kapulungan ng simbahan ni Cristo, na kinakailangang buuin ng labindalawang mataas na saserdote, at isa o tatlong pangulo kung hinihingi ng pagkakataon.

    2 Ang mataas na kapulungan ay itinalaga sa pamamagitan ng paghahayag para sa layunin ng pagsasaayos ng mahahalagang suliranin na maaaring maganap sa simbahan, na hindi maisasaayos ng simbahan o ng kapulungan ng aobispo sa ikasisiya ng mga pangkat.

    3 Sina Joseph Smith, Jun., Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay kinilalang mga pangulo ng tinig ng kapulungan; at sina Joseph Smith, Sen., John Smith, Joseph Coe, John Johnson, Martin Harris, John S. Carter, Jared Carter, Oliver Cowdery, Samuel H. Smith, Orson Hyde, Sylvester Smith, at Luke Johnson, matataas na saserdote, ay pinili na maging isang tumatayong kapulungan para sa simbahan, sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig ng kapulungan.

    4 Ang mga pangalan sa itaas na mga tagapayo ay tinanong pagkatapos kung kanilang tinatanggap ang kanilang pagkakatalaga, at kung sila ay gagawa sa katungkulang iyon alinsunod sa batas ng langit, kung saan lahat sila ay sumagot na kanilang tinanggap ang kanilang mga pagkakatalaga, at gagampanan ang kanilang mga katungkulan alinsunod sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila.

    5 Ang bilang na bumubuo sa kapulungan, na bumoto sa pangalan at para sa simbahan sa pagtalaga ng mga pangalang binanggit sa itaas na mga tagapayo ay apatnapu’t tatlo, gaya ng mga sumusunod: siyam na matataas na saserdote, labing-pitong elder, apat na saserdote, at labintatlong kasapi.

    6 Pinagtibay: na ang mataas na kapulungan ay hindi maaaring magkaroon ng kapangyarihan na magsagawa kung wala ang pito sa mga pangalang binanggit sa itaas na mga tagapayo, o ang kanilang maayos na itinalaga na mga kahalili ay naroroon.

    7 Ang pitong ito ay magkakaroon ng kapangyarihan na magtalaga ng iba pang matataas na saserdote, na maituturing nilang karapat-dapat at may kakayahan upang gumawa sa lugar ng mga libang tagapayo.

    8 Pinagtibay: na kung saan magkakaroon ng puwang gawa ng kamatayan, pagkaalis mula sa katungkulan dahil sa paglabag, o pagkaalis mula sa mga saklaw ng pamahalaan ng simbahang ito, ng sinuman sa mga pangalang binanggit sa itaas na mga tagapayo, ito ay pupunan ng pagmungkahi ng pangulo o mga pangulo, at pahihintulutan ng tinig ng pangkalahatang pagpupulong ng mataas na saserdote, tinipon para sa layuning iyon, upang gumawa sa pangalan ng simbahan.

    9 Ang pangulo ng simbahan, na siya ring pangulo ng kapulungan, ay itinalaga sa pamamagitan ng apaghahayag, at bkinikilala sa kanyang pangangasiwa ng tinig ng simbahan.

    10 At ito ay alinsunod sa karangalan ng kanyang katungkulan na siya ay dapat mamuno sa kapulungan ng simbahan; at kanyang pribilehiyo ito na matulungan ng dalawa pang pangulo, itinalaga alinsunod sa gayon ding pamamaraan na kung saan siya rin ay itinalaga.

    11 At sa pangyayaring lumiban ang isa o kapwa yaong itinalaga upang tulungan siya, siya ay may kapangyarihang mamuno sa kapulungan nang walang katuwang; at sa pangyayaring siya rin ay lumiban, ang ibang pangulo ay may kapangyarihang mamuno sa lugar niya, kapwa o isa sa kanila.

    12 Kapag ang isang mataas na kapulungan ng simbahan ni Cristo ay naitatag nang maayos, alinsunod sa sinusundang huwaran, magiging tungkulin ng labindalawang tagapayo na magpalabunutan ng mga bilang, at sa gayong pamamaraan matitiyak kung sino sa labindalawa ang mauunang magsalita, magsisimula sa bilang isa at iyon ay sunud-sunod hanggang sa bilang labindalawa.

    13 Kapag ang kapulungang ito ay nagtitipun-tipon upang kumilos sa anumang usapin, ang labindalawang tagapayo ay dapat isaalang-alang kung ito ay mahirap o hindi; kung ito ay hindi, dalawa lamang sa mga tagapayo ang mangungusap ukol dito, alinsunod sa pamamaraang nasusulat sa itaas.

    14 Subalit kung ito ay inaakalang mahirap, apat ang dapat italaga; at kung mas mahirap, anim; subalit walang pagkakataon na hihigit sa anim ang itatalaga na mangusap.

    15 Ang naparatangan, sa lahat ng pagkakataon, ay may karapatan sa kalahati ng kapulungan, upang maiwasan ang paghamak o kawalan ng katarungan.

    16 At ang mga tagapayong itinalaga na mangusap sa harapan ng kapulungan ay kailangang iharap ang usapin, pagkaraang masuri ang katibayan, sa kanyang tunay na liwanag sa harapan ng kapulungan; at bawat tao ay mangusap alinsunod sa pagkakapantay-pantay at akatarungan.

    17 Yaong mga tagapayo na nakabunot ng tukol na mga bilang, yaon ay 2, 4, 6, 8, 10, at 12, ang mga taong tatayo para sa naparatangan, at iiwasan ang paghamak at kawalan ng katarungan.

    18 Sa lahat ng pagkakataon ang nagparatang at ang pinaratangan ay magkakaroon ng pribilehiyo na makapagsalita para sa kanilang sarili sa harapan ng kapulungan, pagkaraang marinig ang mga katibayan at ang mga tagapayo na itinalaga upang mangusap sa usapin ay natapos na sa kanilang mga sinabi.

    19 Pagkaraang marinig ang mga katibayan, ang mga tagapayo, nagparatang at pinaratangan ay nakapagsalita, ang pangulo ay magbibigay ng pasiya alinsunod sa kanyang pagkaunawa sa pangyayari, at tatawagin ang labindalawang tagapayo upang pagtibayin ang gayon din sa pamamagitan ng kanilang pagboto.

    20 Subalit kung ang mga natitirang mga tagapayo, na hindi nagsalita, o sinuman sa kanila, pagkaraang marinig ang mga katibayan at pagsusumamo nang walang kinikilingan, ay nakatuklas ng kamalian sa pasiya ng pangulo, maaari nila itong ipahayag, at ang usapin ay magkakaroon ng muling paglilitis.

    21 At kung, pagkaraan ng maingat na muling paglilitis, anumang karagdagang liwanag ang maipakita para sa usapin, ang pasiya ay babaguhin nang naaayon.

    22 Subalit sa pangyayari na walang karagdagang liwanag ang naibigay, ang unang pasiya ang mananatili, ang nakararami sa kapulungan ang may kapangyarihan na pagpasiyahan ang gayon din.

    23 Sa pangyayaring may suliranin tungkol sa adoktrina o alituntunin, kung walang sapat na nasusulat upang gawing malinaw ang usapin sa mga isipan ng kapulungan, ang pangulo ay maaaring magtanong at matamo ang isipan ng Panginoon sa pamamagitan ng bpaghahayag.

    24 Ang matataas na saserdote, kapag nasa ibang bansa, ay may kapangyarihang tumawag at magtatag ng kapulungan alinsunod sa pamamaraan ng nauuna, upang isaayos ang mga suliranin, kapag ang mga pangkat o isa man sa kanila ay hihilingin ito.

    25 At ang nabanggit na kapulungan ng matataas na saserdote ay magkakaroon ng kapangyarihan na magtalaga ng isa sa kanilang sariling bilang upang mamuno sa kapulungang iyon pansamantala.

    26 Magiging katungkulan ng nabanggit na kapulungan na ipadala, kaagad, ang sipi ng kanilang mga paglilitis, na kasama ang buong ulat ng patotoo kalakip ang kanilang pasiya, sa mataas na kapulungan sa luklukan ng Unang Panguluhan ng Simbahan.

    27 Kung ang mga pangkat o isa man sa kanila ay di nasisiyahan sa pasiya ng nasabing kapulungan, sila ay maaaring umapela sa mataas na kapulungan ng luklukan ng Unang Panguluhan ng Simbahan, at magkaroon ng muling paglilitis, kung aling usapin ay pangangasiwaan, alinsunod sa naunang huwarang nakasulat, na para bang walang gayong pasiyang ginawa.

    28 Ang kapulungang ito ng matataas na saserdote na nasa ibang bansa ay tatawagin lamang sa apinakamahirap na mga usapin ng mga bagay-bagay sa simbahan; at walang palasak o pangkaraniwang usapin ang magiging sapat upang tawagin ang gayong kapulungan.

    29 Ang naglalakbay o nakatalagang matataas na saserdote na nasa ibang bansa ay may kapangyarihang sabihin kung kinakailangang tumawag ng gayong kapulungan o hindi.

    30 May pagkakaiba ang mataas na kapulungan o naglalakbay na matataas na saserdote sa ibang bansa, at ang anaglalakbay na mataas na kapulungan na binubuo ng labindalawang bapostol, sa kanilang mga pasiya.

    31 Mula sa pasiya ng nauuna ay maaaring magkaroon ng apela; subalit mula sa pasiya ng huli ay wala na.

    32 Ang huli ay maaari lamang tanungin ng pangkalahatang maykapangyarihan ng simbahan sa usaping paglabag.

    33 Ipinasiya: na ang pangulo o mga pangulo ng luklukan ng Unang Panguluhan ng Simbahan ay may kapangyarihang tiyakin ang anumang gayong usapin, kung maaapela, ay makatwiran na bigyan ng isang muling paglilitis, pagkaraang masuri ang apela at ang mga katibayan at ulat na kalakip nito.

    34 Ang labindalawang tagapayo pagkatapos ay magpapatuloy na magpalabunutan o maghalalan sa pamamagitan ng balota, upang matiyak kung sino ang dapat na maunang magsalita, at ang sumusunod ang kinalabasan, alalaong baga: 1, Oliver Cowdery; 2, Joseph Coe; 3, Samuel H. Smith; 4, Luke Johnson; 5, John S. Carter; 6, Sylvester Smith; 7, John Johnson; 8, Orson Hyde; 9, Jared Carter; 10, Joseph Smith, Sen.; 11, John Smith; 12, Martin Harris. Pagkatapos ng panalangin ang pagpupulong ay natapos na.

    Oliver Cowdery,

    Orson Hyde,

    Mga Klerk