Bahagi 116
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith ang Propeta, malapit sa Wight’s Ferry, sa lugar na tinatawag na Spring Hill, Daviess County, Missouri, ika-19 ng Mayo 1838 (History of the Church, 3:35).
1 Ang Spring Hill ay pinangalanan ng Panginoon na Adan-ondi-Ahman, dahil, wika niya, ito ang lugar na kung saan si Adan ay darating upang dalawin ang kanyang mga tao, o ang Matanda sa mga Araw ay uupo, gaya ng sinabi ni Daniel, ang propeta.