Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Lugar na Dapat Malaman


Mga Lugar na Dapat Malaman

(Ang mga numerong nakapanaklong ay mga kabanatang nagkukuwento tungkol sa mga naganap sa mga lugar na ito.)

Mapa 1: Ang Banal na Lupain sa Panahon ng Bagong Tipan

  1. Damasco Papunta si Pablo sa bayang ito nang magpakita sa kanya si Jesus at sabihan siyang magsisi. (59)

  2. Cesarea ni Filipo Dito nagpatotoo si Jesus tungkol sa Kanyang pagkamatay at Pagkabuhay na Mag-uli, at nagpatotoo si Pedro na si Jesus ang Anak ng Diyos. (32)

  3. Galilea Nagtagal si Jesus sa lugar na ito sa pagtuturo ng ebanghelyo at pagpapagaling ng maysakit. (19–20, 34, 36)

  4. Capernaum Maraming himalang ginawa si Jesus sa bayang ito. (23–25, 30)

  5. Dagat ng Galilea Nagturo ng ebanghelyo sa maraming tao si Jesus malapit dito. Pinayapa ni Jesus ang bagyo at lumakad sa tubig sa Dagat ng Galilea. (18, 21, 29)

  6. Cana Ginawang alak ni Jesus ang tubig sa isang kasalan dito. Pumunta rito ang isang lalaki para hilingin kay Jesus na pagalingin ang anak niyang lalaking maysakit. (12, 16)

  7. Nazaret Lumaki si Jesus sa bayang ito. (2, 4, 9, 17)

  8. Samaria Tinuruan ni Jesus ang isang babae tungkol sa tubig na buhay sa isang balon sa lupaing ito. Kinamuhian ng karamihan sa mga Judio ang mga taga Samaria. (15, 58)

  9. Ilog Jordan Bininyagan ni Juan Bautista si Jesucristo sa ilog na ito. (10)

  10. Joppe Dito binuhay na muli ni Pedro si Tabita. (60)

  11. Jerico Sa talinghaga ng mabuting Samaritano, isang lalaki ang muntik nang mapatay habang naglalakbay papunta sa bayang ito. (35)

  12. Jerusalem Matagal na nagturo sina Jesus at ang Kanyang mga Apostol sa bayang ito. Dito namatay at nabuhay na mag-uli si Jesus. (6, 39–40, 44–57, 63) Tingnan sa Mapa 2 para sa karagdagan pang kuwento na nangyari sa Jerusalem.

  13. Betania Dito nakatira si Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay, kasama ang mga kapatid niyang sina Maria at Marta. (43)

  14. Betlehem Dito isinilang si Jesucristo. (5, 7)

Larawan
map 1

Dagat Mediteraneo

Dead Sea

Damasco

Cesarea ni Filipo

GALILEA

Capernaum

Dagat ng Galilea

Cana

Nazaret

SAMARIA

Ilog Jordan

Joppe

Jerico

Jerusalem

Betania

Betlehem

Mapa 2: Jerusalem Noong Panahon ni Jesus

  1. Golgota Maaaring dito namatay sa krus si Jesucristo. (53)

  2. Libingan sa Halamanan Maaaring si Jesucristo ay dito inilibing, nabuhay na mag-uli, at nakipag-usap kay Maria Magdalena. (53, 54)

  3. Tangke ng Betesda Dito pinagaling ni Jesus ang isang lalaki sa araw ng Sabbath. (27)

  4. Templo Dito nangako ang anghel na si Gabriel kay Zacarias na magkakaanak siya ng lalaki, na siyang si Juan Bautista. Nagturo si Jesus sa templong ito. Pinalayas din Niya sa templo ang mga taong nagbebenta ng mga hayop na isasakripisyo. (1, 6, 9, 11, 13, 45, 56)

  5. Halamanan ng Getsemani Si Jesucristo ay nanalangin, nagdusa para sa ating mga kasalanan, ipinagkanulo ni Judas Iscariote, at dinakip sa halamanang ito. (51, 52)

  6. Bundok ng mga Olivo Dito nagturo si Jesus tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito. (46)

  7. Bahay ni Caifas Maaaring dito nilitis ng mga pinunong Judio si Jesus, nang paratangan Siyang lumabag sa batas. (52)

  8. Silid sa Itaas Maaaring ito ang silid na kinainan ng Paskua nina Jesus at ng Kanyang mga Apostol. Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga Apostol tungkol sa sacrament bago pumunta sa Halamanan ng Getsemani. (49, 50)

Larawan
map 2

Golgota

Libingan sa Halamanan

Tangke ng Betesda

Templo

Halamanan ng Getsemani

Bundok ng mga Olivo

Bahay ni Caifas

Silid sa Itaas