Kabanata 52
Ang mga Paglilitis kay Jesus
Kasama nila si Judas Iscariote. Binayaran ng mga punong saserdote si Judas para ituro sa mga lalaki kung nasaan si Jesus.
Itinuro ni Judas sa mga lalaki kung sino si Jesus sa paghalik sa Kanya. Dinakip ng mga lalaki si Jesus. Kinutya at hinampas nila Siya. Pagkatapos ay dinala nila si Jesus sa high priest na si Caifas.
Pinagtatanong ng mga pinunong Judio si Jesus. Sabi nila nilabag daw Niya ang batas sa pagsasabing Siya ang Anak ng Diyos. Sinabi sa kanila ni Jesus na Siya ang Anak ng Diyos. Sabi nila maysala raw si Jesus at dapat mamatay.
Walang awtoridad ang mga pinuno ng mga Judio na patayin si Jesus. Dinala nila Siya kay Poncio Pilato, na kayang hatulan ng kamatayan si Jesus. Sinabi ng mga pinunong Judio kay Pilato na tinuruan ni Jesus ang mga tao na suwayin ang batas ng Romano.
Hindi naniwala si Pilato na maysala si Jesus. Gustong pawalan ni Pilato si Jesus. Gusto ng mga tao na ipako sa krus si Jesus.
Gusto pa ring pawalan ni Pilato si Jesus. Pero panay ang sigaw ng mga saserdote at mga tao na gusto nilang ipako sa krus si Jesus.
Naghugas ng mga kamay si Pilato. Sabi niya hindi siya ang responsable sa pagkamatay ni Jesus. Sabi ng mga tao sila ang responsable sa Kanyang pagkamatay. Sinabi ni Pilato sa kanyang mga kawal na ipako sa krus si Jesus.