Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 2: Si Maria at ang Anghel


Kabanata 2

Si Maria at ang Anghel

Mary and Joseph in Nazareth - ch.2-1

Sina Maria at Jose ay nakatira sa Nazaret. Napakabubuti nilang tao. Nagmamahalan sila at malapit nang ikasal.

Lucas 1:26–27

The angel Gabriel appearing to Mary - ch.2-1

Isang araw nagpakita ang anghel na si Gabriel kay Maria. Sinabi nito kay Maria na pagpapalain siya ng Diyos.

Lucas 1:26, 28–30

The angel Gabriel talking to Mary - ch.2-3

Sabi ni Gabriel kay Maria, siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos. Ang magiging pangalan Niya ay Jesus, at Siya ay magiging Hari ng lahat ng mabubuting tao.

Lucas 1:31–33

The angel Gabriel talking to Mary - ch.2-4

Sinabi ni Maria na susundin niya ang Ama sa Langit at magiging ina ni Jesus.

Lucas 1:34–35, 38; 1 Nephi 11:18–21