Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 1: Sina Elisabet at Zacarias


Kabanata 1

Sina Elisabet at Zacarias

Larawan
Zacharias and Elisabeth praying for a child - ch.1-1

Si Zacarias at ang asawa niyang si Elisabet ay mga Judiong nakatira malapit sa Jerusalem. Sinunod nila ang mga utos ng Diyos. Maraming taon nilang ipinagdasal na magkaanak. Pagtanda nila, wala pa rin silang anak.

Larawan
The angel Gabriel appearing to Zacharias in the temple. ch.1-2

Si Zacarias ay isang saserdote sa templo. Isang araw nagpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel. Sabi ni Gabriel sasagutin ng Diyos ang panalangin nina Zacarias at Elisabet. Magkakaanak sila. Sabi ni Gabriel, pangangalanan nila itong Juan.

Larawan
The angel Gabriel talking to Zacharias in the temple. ch.1-3

Sabi ni Gabriel, si Juan ay magiging mabuting propeta ng Diyos. Tuturuan niya ang mga tao tungkol kay Jesucristo.

Larawan
The angel Gabriel is speaking with Zacharias in the temple. ch.1-4

Hindi naniwala si Zacarias sa anghel. Napakatanda na ni Elisabet para magkaanak. Sabi ni Gabriel, dahil hindi naniwala si Zacarias sa pangako ng Diyos, hindi siya makakapagsalita hanggang hindi naisisilang si Juan.