Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Unang Talinghaga: Ang Nawawalang Tupa


Ang Unang Talinghaga

Ang Nawawalang Tupa

Larawan
A shepherd looks after his flock of 100 sheep - ch.35-4

May 100 tupa ang isang mabuting pastol. Isa sa mga ito ang nawala.

Larawan
The shepherd leaves the 99 other sheep and looks for the lost sheep - ch.35-5

Iniwan ng pastol ang 99 na tupa para hanapin ang nawawala. Nang matagpuan niya ito, masayang-masaya siya.

Larawan
The shepherd carries the sheep home on his shoulders and invites his neighbors to rejoice with him - ch.35-6

Pinasan ng pastol ang tupa pauwi. Pinapunta niya ang lahat ng kaibigan at kapitbahay niya para magdiwang. Natagpuan niya ang nawalang tupa.

Larawan
Jesus Christ explains that sinners are like the lost sheep and there will be joy in heaven if a sinner repents - ch.35-7

Sinabi ni Jesucristo sa mga Fariseo ang kahulugan ng talinghaga. Sinabi Niya na yaong mga nagkakasala ay gaya ng nawawalang tupa.

Larawan
Jesus explains that just as the shepherd wanted to save the lost sheep He wants to save sinners - ch.35-8

Tulad ng pastol na gustong iligtas ang nawawalang tupa, gusto rin ni Jesus na iligtas ang mga nagkakasala.

Larawan
Jesus tells the Pharisees that that is why He was talking with sinners - ch.35-10

Sinabi ni Jesus na ito ang dahilan kaya Niya kinakausap ang mga makasalanan.

Mateo 18:11 (tingnan sa footnote 11c); Marcos 2:17

Larawan
Just as the shepherd was happy to find his sheep, Jesus is happy when sinners repent - ch.35-9

At tulad ng pastol na masayang-masaya nang matagpuan ang nawawalang tupa, masayang-masaya rin si Jesus kapag nagsisisi tayo.