Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 11: Tinukso si Jesus


Kabanata 11

Tinukso si Jesus

Larawan
Jesus goes into the wilderness to be with God - ch.11-1

Nagpunta si Jesus sa ilang para makapiling ang Diyos. Kinausap ng Tagapagligtas ang Ama sa Langit. Hindi Siya kumain ng anuman sa loob ng 40 araw dahil nag-aayuno Siya.

Mateo 4:1–2 (tingnan sa mga footnote 1b at 2c); Lucas 4:1–2 (tingnan sa footnote 2a)

Larawan
Jesus is tempted by the devil to change rocks into bread - ch.11-2

Dumating ang diyablo at tinukso si Jesus na patunayan na Siya ang Anak ng Diyos. Una, sinabi niya kay Jesus na gawing tinapay ang ilang bato. Gutom si Jesus, pero alam Niyang dapat lang Niyang gamitin ang Kanyang kapangyarihan sa pagtulong sa ibang tao. Hindi Niya ginawa ang sinabi ng diyablo.

Mateo 4:2–4; Jesus the Christ, 128–29

Larawan
Jesus is taken to a high place on the temple - ch.11-3

Sumunod ay dinala ng Espiritu Santo si Jesus sa isang mataas na lugar sa templo. Tinukso ng diyablo si Jesus sa ikalawang pagkakataon, at sinabi sa Kanya na tumalon mula sa pader ng templo. Sinabi ng diyablo na kung si Jesus nga ang Anak ng Diyos, hindi hahayaan ng mga anghel na masaktan Siya. Hindi tumalon si Jesus. Alam Niya na maling gamitin ang Kanyang mga sagradong kapangyarihan sa ganitong paraan.

Mateo 4:5–7 (tingnan sa mga footnote 5a at 6a)

Larawan
Jesus is taken to a high mountain - ch.11-4

Pagkatapos ay dinala ng Espiritu Santo si Jesus sa ituktok ng bundok. Ipinakita niya kay Jesus ang lahat ng kaharian at yaman ng mundo. Sinabi ng diyablo kay Jesus na mapapasakanya ang lahat ng bagay na ito kung susundin Niya siya. Sinabi ni Jesus na ang Ama sa Langit lang ang susundin Niya. Pinaalis Niya ang diyablo. Umalis ang diyablo. Dumating ang mga anghel at binasbasan si Jesus. Handa na si Jesus na simulan ang Kanyang gawain.

Mateo 4:8–11 (tingnan sa mga footnote 8a at 9a)