Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Nilalaman


Mga Nilalaman

Mga Pinagmulan

Ang ilan sa impormasyon sa aklat na ito ay hinango sa mga aklat na nakalista sa ibaba.

Bible Dictionary sa Latter-day Saint edition ng King James Version ng Biblia (1979)

James E. Talmage, Jesus the Christ, Ika-3 edisyon (1916)

Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith (1976)

Sa Mambabasa

Ang Mga Kuwento sa Bagong Tipan ay isinulat lalo na para sa inyo. Ang mga kuwentong ito ay hango sa isang aklat na sagrado. Habang binabasa ninyo ang mga kuwentong ito, alalahanin na ang mga ito ay tungkol sa tunay na mga taong nabuhay noong araw.

Paulit-ulit na basahin ang mga kuwento hanggang sa maintindihan ninyong mabuti ang mga ito. Maaari rin ninyong basahin ang mga ito mula sa Biblia. Sa ilalim ng karamihan sa mga larawan, makikita ninyo ang mga reperensyang nagsasabi sa inyo kung saan matatagpuan ang kuwentong iyon sa Biblia o sa iba pang mga aklat. Magpatulong sa inyong ama, ina, guro, o kaibigan na makita ang kuwento sa mga banal na kasulatan.

Kung hindi ninyo alam ang kahulugan ng isang salita, hanapin ito sa bahaging “Mga Salitang Dapat Malaman” sa bandang likod ng aklat. Kung gusto ninyong mas may malaman pa tungkol sa isang lugar, hanapin ito sa bahaging “Mga Lugar na Dapat Malaman.” Kung hindi ninyo kilala ang isang tao, hanapin siya sa bahaging “Mga Taong Dapat Makilala.” May bahagi rin sa aklat na ito na may mga larawan ng mga lugar sa Banal na Lupain at isang time line ng Bagong Tipan.

Sa mga Magulang at Guro

Makakatulong ang aklat na ito sa pagtuturo ninyo ng mga banal na kasulatan. Gamitin ang mga bahaging “Mga Salitang Dapat Malaman,” “Mga Lugar na Dapat Malaman,” at “Mga Taong Dapat Makilala” para tulungan ang mga bata na maging pamilyar sa mga salita, tao, at lugar sa aklat na ito. Kabilang sa iba pang mga tulong sa aklat na ito ang mga mapa, larawan, at isang time line.

Habang nagtuturo kayo, magbahagi ng patotoo tungkol sa Biblia. Hikayatin ang mga tinuturuan ninyo na hangarin nang may panalangin na magtamo ng sarili nilang patotoo sa mga banal na kasulatan at sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Mas lalawak ang pang-unawa ng mga tinuturuan ninyo kapag binasa ninyo sa kanila ang paborito nilang mga kuwento mula sa Biblia mismo.