Kabanata 6
Pag-aalay sa Templo
Nang ilang linggo na si Jesus, dinala Siya ng Kanyang mga magulang sa Jerusalem para ialay sa templo.
Lucas 2:22
Nasa templo si Simeon, isang mabuting taong nakatira sa Jerusalem. Sinabi sa kanya ng Espiritu Santo na makikita niya si Cristo bago siya mamatay.
Lucas 2:25–26
Nakita ni Simeon ang sanggol na si Jesus sa templo. Kinalong niya Siya sa kanyang mga bisig at pinuri ang Diyos.
Lucas 2:27–29
Sinabi ni Simeon na ang bata ay maghahatid ng kaligtasan sa lahat ng tao. Namangha sina Jose at Maria sa sinabi niya.
Lucas 2:30–33
Nakita rin ng balo na si Ana si Jesus at nakilala nito kung sino Siya. Nagpasalamat ito at ikinuwento Siya sa maraming tao.
Lucas 2:36–38