Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 35: Ang Mabuting Samaritano


Kabanata 35

Ang Mabuting Samaritano

Larawan
Jesus teaching the people - ch.36-1

Maraming inilahad na kuwento, o talinghaga si Jesus para ituro sa mga tao ang katotohanan.

Larawan
A leader of the Jews asks Jesus "Who is my neighbor?" - ch.36-2

Isang araw isang pinuno ng mga Judio ang nagtanong kay Jesus kung ano ang dapat niyang gawin para magtamo ng buhay na walang hanggan. Tinanong siya ng Tagapagligtas kung ano ang nakasaad sa mga banal na kasulatan. Sinabi ng pinuno na dapat mahalin ng tao ang Diyos at mahalin din ang kanyang kapwa. Sinabi ni Jesus na tama siya. Pagkatapos ay tinanong ng pinuno, “Sino ang aking kapuwa tao?”

Larawan
A man is attacked by thieves on his way to Jericho - ch.36-3

Sinagot ni Jesus ang lalaki sa pamamagitan ng kuwento. Isang araw isang lalaking Judio ang naglalakad sa kalsada sa bayan ng Jerico. Ninakawan siya at binugbog ng mga magnanakaw. Halos patay na nang iwan nila ang lalaki sa kalsada.

Larawan
A Jewish priest sees the man who was robbed and beaten, but passes by on the other side of the road - ch.36-4

Di naglaon dumaan ang isang saserdoteng Judio at nakita ang lalaki. Sa kabilang panig ng kalsada dumaan ang saserdote. Hindi niya tinulungan ang lalaki.

Larawan
A Levite also sees the man and passes by - ch.36-5

Isa pang lalaking Judio na nagtatrabaho sa templo ang naparaan. Nakita niya ang sugatang lalaki. Pero hindi rin niya tinulungan ang lalaki at sa kabilang panig ng kalsada dumaan.

Larawan
A Samaritan stops and helps the man - ch.36-6

Pagkatapos ay dumaan ang isang lalaking Samaritano. Hindi magkasundo ang mga Judio at Samaritano. Pero nang makita ng Samaritano ang lalaki, naawa siya rito. Ginamot niya ang mga sugat ng lalaki at dinamitan ito.

Lucas 10:33–34; Juan 4:9; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Samaritano, Mga,” 224

Larawan
The Samaritan leaves some money with the innkeeper to take care of the Jew - ch.36-7

Dinala ng Samaritano ang lalaki sa isang bahay-tuluyan at inalagaan ito hanggang kinabukasan. Nang paalis na ang Samaritano, binigyan niya ng pera ang bantay sa bahay-tuluyan at pinaalagaan dito ang lalaki.

Larawan
Jesus asks the leader of the Jews, which of the three men was neighbor unto the injured man - ch.36-8

Matapos itong ikuwento ni Jesus, tinanong Niya sa pinunong Judio kung sino sa tatlong lalaki ang nakipagkapwa-tao sa sugatang lalaki.

Larawan
The leader says that the Samaritan was the neighbor because he helped the injured man and Jesus tells the leader to do likewise - ch.36-9

Sinabi ng pinuno na ang Samaritano dahil tinulungan nito ang lalaki. Sinabi ni Jesus sa pinunong Judio na tularan ang Samaritano.