Kabanata 5
Isinilang si Jesucristo
Hindi madali para kay Maria ang maglakbay papuntang Betlehem. Malapit na siyang manganak.
Pagdating nina Jose at Maria sa Betlehem, lahat ng silid ay puno ng mga tao. Kinailangang tumigil nina Maria at Jose sa isang kuwadra. Ang kuwadra ay isang lugar para sa mga hayop.
Doon isinilang ang sanggol. Ibinalot Siya ni Maria sa lampin at inihiga Siya sa sabsaban. Pinangalanan nina Jose at Maria ang sanggol ng Jesus.
Noong gabing isilang si Jesus, inaalagaan ng mga pastol ang mga tupa sa parang malapit sa Betlehem. Nagpakita sa kanila ang isang anghel. Natakot ang mga pastol.
Sinabihan sila ng anghel na huwag matakot. May magandang balita itong hatid: Ang Tagapagligtas, si Jesucristo, ay isinilang sa Betlehem. Matatagpuan nila Siya na nakahiga sa isang sabsaban.
Nagpunta ang mga pastol sa Betlehem, kung saan nila nakita ang sanggol na si Jesus.
Masaya ang mga pastol na makita ang Tagapagligtas. Ikinuwento nila sa ibang mga tao ang lahat ng narinig at nakita nila.