Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 62: Sinunod ni Pablo ang Espiritu Santo


Kabanata 62

Sinunod ni Pablo ang Espiritu Santo

Larawan
Paul prays and is told to go to Jerusalem. - ch.62-1

Pinapunta ng Espiritu Santo si Apostol Pablo sa Jerusalem. Sinabi ng Espiritu Santo na mabibilango si Pablo. Hindi natakot si Pablo. Mahal niya ang Tagapagligtas at ginawa ang ipinagawa sa kanya ng Espiritu Santo.

Larawan
Paul gives instruction to his friends before he leaves. - ch.62-2

Nagpaalam si Pablo sa kanyang mga kaibigan. Sabi niya hindi na niya sila makikitang muli. Sinabi niyang ipamuhay nila ang ebanghelyo at sundin ang mga utos ng Diyos. Binalaan sila ni Pablo na huwag makinig sa mga taong magtatangkang magturo sa kanila ng mga bagay na hindi totoo.

Larawan
Paul's friends see him off in a boat. - ch.62-3

Sinabi sa kanila ni Pablo na mahalin at alagaan ang isa’t isa. Lumuhod siya at nanalangin na kasama sila. Umiyak silang lahat. Sinamahan nila si Pablo hanggang sa bangka at minasdan ang paglisan nito papuntang Jerusalem.