Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 7: Ang mga Pantas na Lalake


Kabanata 7

Ang mga Pantas na Lalake

Larawan
The wise men see the star - ch.7-1

May ilang pantas na lalakeng nakatira sa ibang lupain. Alam nila kung ano ang sinabi ng mga propeta tungkol sa pagsilang ni Jesus. Nang makita nila ang bagong bituin sa langit, alam nila na isang bagong hari ang isinilang.

Larawan
King Herod and the Wise Men - ch. 7-2

Nakipagkita ang mga Pantas na Lalake kay Herodes, isang hari ng mga Judio, sa Jerusalem. Tinanong nila ito kung nasaan ang bagong hari. Sinabi sa kanila ni Herodes na maghanap sa Betlehem. Kapag nakita nila ang sanggol dapat silang bumalik at ipaalam ito kay Herodes.

Larawan
The Wise Men worship Jesus - ch.7-3

Nagpunta ang mga Pantas sa Betlehem at nakita si Jesus. Sinamba nila Siya at binigyan ng mga handog. Sinabihan sila sa panaginip na huwag nang bumalik sa Jerusalem para sabihin kay Herodes kung nasaan ang sanggol. Hindi nga sila nagbalik.