Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 9: Ang Batang si Jesus


Kabanata 9

Ang Batang si Jesus

Larawan
Jesus as a boy, praying - ch.9-1

Si Jesus ay lumaki sa bayan ng Nazaret. Maraming bagay Siyang natutuhan at “[lumakas], … at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.”

Larawan
Jesus goes with Joseph, Mary and others to Jerusalem - ch.9-2

Noong 12 taon na si Jesus, sumama Siya kina Jose at Maria sa isang grupo ng mga tao sa isang pagdiriwang sa Jerusalem. Nanatili sila roon nang ilang araw.

Larawan
Joseph and Mary returning home from Jerusalem without Jesus - ch.9-3

Pag-uwi nina Jose at Maria, akala nila sumabay si Jesus sa Kanyang mga kaibigan pabalik sa Nazaret. Pero nanatili si Jesus sa Jerusalem.

Larawan
Joseph and Mary looking for Jesus in Jerusalem - ch.9-4

Nang hanapin nina Jose at Maria si Jesus, hindi nila Siya makita. Wala sa kanilang grupo ang nakakita sa Kanya. Kaya bumalik sina Jose at Maria sa Jerusalem. Tatlong araw nilang hinanap si Jesus. Lungkot na lungkot sila.

Larawan
Jesus with the teachers in the temple - ch.9-5

Sa wakas natagpuan nila si Jesus sa templo, kausap ang ilang guro. Sinasagot Niya ang mga tanong nila. Nagulat ang mga guro sa dami ng nalalaman ni Jesus.

Lucas 2:46–47 (tingnan sa footnote 46c)

Larawan
Joseph and Mary find Jesus in the temple - ch.9-6

Sinabi ni Maria kay Jesus na nag-alala sila ni Jose sa Kanya. Sumagot si Jesus na ginagawa Niya ang gawain ng Kanyang Ama—gawain ng Diyos. Hindi iyon naintindihan nina Jose at Maria.

Larawan
Jesus returns with Joseph and Mary to Nazareth - ch.9-7

Umuwi si Jesus sa Nazaret kasama sina Jose at Maria at sinunod Niya sila.

Larawan
Jesus continues to study - ch.9-8

Mas lalo pang natutuhan ni Jesus ang gawain ng Kanyang Ama sa Langit.

Larawan
Jesus grows tall and strong - ch.9-9

Lumaki Siyang matangkad at malakas.

Larawan
Jesus as a youth handing bread to a girl - ch.9-10

Minahal Siya ng mga tao. Ginawa Niya ang gusto ng Diyos na gawin Niya.

Larawan
Jesus as a youth, praying - ch.9-11

Mahal Siya ng Diyos.