Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 25: Hinipo ng Isang Babae ang Damit ni Jesus


Kabanata 25

Hinipo ng Isang Babae ang Damit ni Jesus

Larawan
A woman who has been sick for twelve years is lying in bed - ch.26-1

May isang babaeng 12 taon nang malubha ang sakit. Maraming doktor na ang napuntahan niya, pero hindi siya natulungan.

Larawan
The woman sees Jesus in a crowd of people and believes that she can be healed if she could only touch His clothing - ch.26-2

Isang araw nakita nito si Jesus na napapaligiran ng maraming tao. Naniwala siyang gagaling siya mahipo lang niya ang Kanyang damit. Sumiksik siya sa mga tao at hinipo ang Kanyang damit.

Larawan
The woman is healed immediately and Jesus asks who touched Him - ch.26-3

Agad siyang gumaling. Lumingon si Jesus at nagtanong, “Sino ang humipo ng aking mga damit?”

Larawan
The woman admits to touching the Savior and Jesus tells her that her faith has made her well - ch.26-4

Natakot ang babae. Lumuhod siya sa harap ng Tagapagligtas at sinabing siya ang humipo sa Kanya. Sinabi sa kanya ni Jesus na pinagaling siya ng pananampalataya niya sa Kanya.