Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Ikalawang Talinghaga: Ang Nawawalang Barya


Ang Ikalawang Talinghaga

Ang Nawawalang Barya

Larawan
A woman searches for a lost coin - ch.35-11

May 10 baryang pilak ang isang babae. Nawala niya ang isa sa mga barya. Hinanap niya ito sa buong bahay.

Larawan
The woman calls her friends together to rejoice with her in finding the coin - ch.35-12

Sa wakas ay natagpuan niya ang barya. Masayang-masaya siya. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay para sabihin ito sa kanila. Sila man ay masaya na natagpuan na niya ang nawawalang barya.

Larawan
Jesus compares the lost coin to a member of the Church who was less active and has come back - ch.35-14

Ang mga pinuno at miyembro ng Simbahan ay gaya ng babae sa kuwento; ang nawawalang barya ay gaya ng isang miyembro ng Simbahan na hindi na nagsisimba o hindi na sinisikap sundin ang mga utos. Parang nawala na sila sa Simbahan. Gusto ni Jesucristo na hanapin ng mga miyembro ng Simbahan ang sinumang nawawalang kapatid at tulungan silang bumalik sa Kanya. Masayang-masaya Siya kapag nangyayari ito.

Jesus the Christ, 455–56

Larawan
The angels are happy when a person repents and comes back into the Church - ch.35-13

Ang mga kaibigan at kapitbahay sa kuwento ay parang mga anghel ng Diyos. Masayang-masaya ang mga anghel kapag nagsisisi ang isang tao.