Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 42: Ang Mayamang Binata


Kabanata 42

Ang Mayamang Binata

Larawan
A rich young man asks Jesus what he needs to do to inherit eternal life - ch.42-1

Isang araw isang mayamang binata ang lumapit kay Jesus at tinanong Siya kung ano ang dapat niyang gawin para makarating sa langit.

Larawan
The Savior tells the young man to keep the commandments - ch.42-2

Sinabi ng Tagapagligtas sa kanya na mahalin at igalang ang kanyang ama’t ina at huwag pumatay ng sinuman o magsinungaling o magnakaw. Sinabi ng mayamang binata na sinusunod niyang lagi ang mga utos.

Larawan
Jesus tells the young man that he needs to sell all that he has and give the money to the poor and follow Him - ch.42-3

Sinabi ni Jesus sa binata na may kailangan pa siyang gawin. Kailangan niyang ibenta ang lahat ng ari-arian niya at ibigay ang pera sa mahihirap. Pagkatapos ay dapat sumunod sa Kanya ang binata.

Larawan
The rich young man is unhappy about selling all that he has and leaves - ch.42-4

Ayaw ipamigay ng mayamang binata ang lahat ng ari-arian niya. Mas mahal niya ang mga bagay na pag-aari niya kaysa sa Diyos. Nanlulumong lumisan ang binata.

Larawan
Jesus tells His disciples that it is hard for those who love riches to go to heaven - ch.42-5

Sinabi ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na mahirap makarating sa langit ang mga mapagmahal sa kayamanan. Hindi iyon maintindihan ng mga disipulo. Tinanong nila kung sino ang makakapamuhay sa piling ng Diyos. Sinabi ni Jesus na ang mga taong nagtitiwala sa Diyos at nagmamahal sa Kanya nang higit kaysa anupaman ay makakapamuhay sa piling Niya sa langit.

Marcos 10:23–30 (tingnan sa footnote 27a)