Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Taong Dapat Makilala


Mga Taong Dapat Makilala

Agripaisang haring Romano na namuno sa Israel. Nagsabi si Pablo kay Agripa tungkol kay Jesucristo.

Ama sa Langitang Ama ng ating mga espiritu. Nagdarasal tayo sa Kanya.

Anaisang tapat na balo na nakakita kay Jesus noong sanggol pa Siya at itinuro sa mga tao na si Jesus ang Anak ng Diyos at ang Manunubos

Ananiasisang disipulo ni Jesucristo na nakatira sa Damasco. Binasbasan at inalagaan niya si Pablo matapos itong mabulag nang makakita ng pangitain.

Caifasang high priest na Judio na kasama sa paghatol kay Jesus nang Siya ay litisin

Diyosmaaaring tumukoy sa Ama sa Langit o kay Jesucristo

Eliasisang propeta sa Lumang Tipan

Elisabetang ina ni Juan Bautista

Espiritu Santoisa sa tatlong miyembro ng Panguluhang Diyos. Tinutulungan Niya si Jesucristo at ang Ama sa Langit. May kapangyarihan Siyang tulungan ang mga tao na malaman ang katotohanan. Siya ay isang espiritu at walang katawang may laman at buto.

Estebanisang mabuting pinuno ng Simbahan ni Jesucristo. Pinatay siya ng mga Fariseo.

Gabrielang anghel na bumisita kay Maria at nagsabi rito na siya ang magiging ina ni Jesus. Si Gabriel din ang nagpakita kay Zacarias at nagsabi rito na magkakaanak siya ng lalaki na siyang magiging si Juan Bautista.

Herodesisang masamang haring namuno sa Jerusalem noong isilang si Jesus. Pinapatay niya ang lahat ng sanggol sa Betlehem sa pag-asang mapatay ang sanggol na si Jesus.

Isaiasisang propeta sa Lumang tipan na sumulat tungkol kay Jesus

Jairoisang pinunong Judio sa Capernaum. Ibinangon ni Jesus ang kanyang anak na babae mula sa mga patay.

Jesucristoang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng mundo. Nagdusa Siya at namatay para sa ating mga kasalanan.

Joseasawa ni Maria. Inalagaang mabuti ni Jose sina Jesus at Maria.

Joseph SmithNoong bata pa si Joseph Smith, nagpakita sa kanya ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sinabi Nila sa kanya na huwag sumapi sa anumang simbahang umiiral noon sa daigdig dahil lahat ng ito ay lihis sa katotohanan. Sa pamamagitan ni Joseph Smith, naipanumbalik ang totoong Simbahan ni Jesucristo sa daigdig.

Juanisa sa Labindalawang Apostol ni Jesus. Isa siya sa mga tagapayo ni Pedro pagkamatay ni Jesus.

Juan Bautistaang propetang nagbinyag kay Jesus. Siya ang anak nina Zacarias at Elisabet.

Judas Iscarioteisa sa mga Apostol ni Jesus. Ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa masasamang tao kapalit ng 30 pirasong pilak.

Lazaroisang lalaking ibinangon ni Jesus mula sa mga patay

Mariaang ina ni Jesus

Maria at Martamga kapatid ni Lazaro at mga kaibigan ni Jesus

Maria Magdalenakaibigan ni Jesus at unang taong nakakita sa Kanya matapos Siyang Mabuhay na Mag-uli

Matiasisang disipulo ni Jesus na pinahalili kay Judas Iscariote bilang isa sa Labindalawang Apostol

Mesiyasisa pang tawag kay Jesucristo

Mga Fariseomga pinuno ng mga Judio. Karamihan sa kanila ay kinamuhian si Jesus at ang Kanyang mga disipulo.

Mga Judiomga Israelitang naging bahagi ng kaharian ng Juda. Si Jesus ay isang Judio.

Mga Samaritanoisang grupo ng mga taong nakatira sa lupaing tinirhan ni Jesus. Karaniwan ay ayaw ng mga Judio at Samaritano sa isa’t isa.

Mga Taga Romamga taong kumokontrol sa lupaing tinitirhan ni Jesus noong Siya ay nabubuhay

Moisesisang propeta sa Lumang Tipan

Nicodemoisang pinuno ng mga Judio na naniwalang si Jesus ang Tagapagligtas. Tinuruan ni Jesus si Nicodemo tungkol sa binyag.

Pabloisang lalaking ayaw sa mga disipulo ni Jesus hanggang sa makita niya si Jesus sa isang pangitain at maniwala. Pagkatapos ay naglingkod siya sa Diyos at naging isa sa mga Apostol. Kilala rin siya na Saulo.

Pedroisa sa Labindalawang Apostol ni Jesus at Pangulo ng Simbahan pagkamatay ni Jesus

Poncio Pilatoang gobernador ng Roma sa Jerusalem. Sinabi ng mga Judio kay Pilato na ipako sa krus si Jesus, at tinulutan ni Pilato na patayin si Jesus.

Santiagoisa sa Labindalawang Apostol ni Jesus. Isa siya sa mga tagapayo ni Pedro pagkamatay ni Jesus.

Satanasisang espiritung anak ng Ama sa Langit. Hindi niya sinunod ang Ama sa Langit, kaya pinalayas siya sa langit. Siya ang naging diyablo. Tinatangka ni Satanas na tuksuhin ang mga tao na gumawa ng mali.

Saulotingnan sa Pablo

Silasisang misyonero at kaibigan ni Pablo

Simeonisang mabuting taong nakakita sa sanggol na si Jesus sa templo sa Jerusalem

Simonisang lalaki sa Samaria. Tinangka niyang bilhin ang priesthood kina Pedro at Juan. Tinuruan nila siya na hindi mabibili ng isang tao ang priesthood.

Tabitaisang mabuting babaeng muling binuhay ni Pedro

TagapagligtasSi Jesucristo ang Tagapagligtas. Nagdusa Siya at namatay para sa ating mga kasalanan. Dahil sa Kanya, mapapatawad tayo sa ating mga kasalanan, kung magsisisi tayo, at mabubuhay tayo magpakailanman.

Zacariasang ama ni Juan Bautista