Kabanata 3
Isinilang si Juan Bautista
Binisita ni Maria si Elisabet. Sinabi ng Espiritu Santo kay Elisabet na si Maria ang magiging ina ni Jesucristo. Nagpasalamat sa Diyos sina Maria at Elisabet sa pagpapala sa kanila. Halos tatlong buwang nanatili si Maria kay Elisabet. Pagkatapos ay umuwi na si Maria sa Nazaret.
Isinilang ang anak na lalaki ni Elisabet. Masaya ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Inisip nila na dapat ay isunod ang pangalan ng sanggol sa ama niyang si Zacarias. Pero sabi ni Elisabet, ang dapat ipangalan dito ay Juan. Nabigla ang lahat.
Tinanong ng mga tao si Zacarias kung ano ang dapat ipangalan sa sanggol. Hindi pa rin makapagsalita si Zacarias, kaya isinulat niya, “Ang kaniyang pangalan ay Juan.”
Pagkatapos ay muling nakapagsalita si Zacarias. Napuspos siya ng Espiritu Santo. Sinabi niya sa mga tao na malapit nang isilang si Jesucristo at ihahanda ni Juan ang mga tao para sa Kanya.
Lumaki si Juan na isang dakilang propeta. Tinuruan niya ang mga tao tungkol kay Jesucristo.