Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 37: Ang Sampung Ketongin


Kabanata 37

Ang Sampung Ketongin

Larawan
Jesus sees ten lepers - ch.38-1

Nagpunta si Jesus sa isang munting bayan kung saan Niya nakita ang sampung ketongin. Ang mga ketongin ay mga taong maysakit. Ang sakit nila ang dahilan kaya sugat-sugat ang buong katawan nila.

Larawan
People are afraid to go near the lepers - ch.38-2

Hindi matulungan ng mga doktor ang mga ketongin. Takot lumapit sa kanila ang mga tao. Ayaw nilang mahawa sa sakit.

Larawan
The lepers ask Jesus to heal them - ch.38-3

Hiniling ng mga ketongin na pagalingin sila ni Jesus. Alam nila na mapapagaling Niya ang kanilang mga sugat.

Larawan
Jesus sent the lepers to the priests - ch.38-4

Gusto silang pagalingin ni Jesus. Sinabi Niya sa kanila na humayo at ipakita ang kanilang sarili sa mga saserdote.

Larawan
The lepers are healed on their way to see the priest - ch.38

Sa daan papunta sa mga saserdote, gumaling ang sampung ketongin. Naglaho ang kanilang mga sugat.

Larawan
One leper returns to thank Jesus - Jesus asks where the other nine are - ch.38-6

Alam ng isa sa mga ketongin na pinagaling sila ni Jesus. Bumalik siya para pasalamatan Siya. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang siyam pang ketongin. Hindi sila nagsibalik. Sinabi ni Jesus sa ketonging nagpasalamat sa Kanya na ang pananampalataya nito ang nagpagaling sa kanya.