Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 4: Si Jose at ang Anghel


Kabanata 4

Si Jose at ang Anghel

Larawan
Joseph learns that Mary is going to have a baby - ch.4-1

Si Jose ay isang mabuti at mabait na tao. Ikakasal na sila ni Maria. Nang malaman niyang magkakaanak si Maria, hindi niya alam ang gagawin. Dahil hindi niya anak ang sanggol, inisip niyang hindi niya dapat pakasalan si Maria.

Larawan
An angel appears to Joseph in a dream - ch.4-2

Isang gabi nagpakita ang isang anghel kay Jose sa panaginip at sinabihan siya na ang sanggol ni Maria ay ang Anak ng Diyos. Sinabi ng anghel kay Jose na pakasalan si Maria at pangalanan ng Jesus ang sanggol nito. Si Jesus ang magiging Tagapagligtas ng mundo.

Larawan
Joseph and Mary are married - ch.4-3

Sinunod ni Jose ang anghel at pinakasalan si Maria.