Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pagkaraan ng Bagong Tipan


Pagkaraan ng Bagong Tipan

Larawan
The Apostles teach the gospel - ch.64-1

Nagsumikap ang mga pinuno ng Simbahan na magturo sa mga tao tungkol kay Jesucristo. Binisita nila ang mga Banal at lumiham sila sa kanila. Sumapi ang mga tao sa Simbahan sa maraming lupain. Ayaw ng masasamang tao na maniwala ang mga tao kay Jesucristo.

Larawan
Wicked people change the commandments and lead some people astray. - ch.64-2

Gusto ng masasamang tao na baguhin ang mga kautusan. Nakinig sa kanila ang ilang Banal. Maraming tumigil sa paniniwala kay Jesus at hindi sumunod sa Kanyang mga utos.

Larawan
Many righteous Saint are killed. The Apostles are killed also and the Church is no longer on the earth. - ch.64-3

Pinatay ang mga Apostol at maraming Banal. Wala nang namuno sa Simbahan. Binawi ang mga susi ng priesthood sa daigdig. Wala nang mga propetang gagabay sa mga tao. Wala na sa daigdig ang Simbahan ni Jesucristo. Sinabi nina Apostol Pedro at Pablo na mangyayari ito.

Larawan
Many different churches are established, but none are Jesus Christ's church. - ch.64-4

Daan-daang taon ang lumipas. Marami nang iba’t ibang simbahan. Wala silang mga Apostol o priesthood ng Diyos. Wala sa mga simbahan ang Simbahan ni Jesucristo. Pero sinabi ng mga propeta na pagkaraan ng maraming taon babalik na muli ang Simbahan ni Jesucristo sa daigdig.

Larawan
In 1820 Joseph Smith goes to the woods near his home and prays. - ch.64-5

Noong 1820 isang batang nagngangalang Joseph Smith ang gustong makaalam kung aling simbahan ang Simbahan ni Jesucristo. Nagpunta siya sa kakahuyan malapit sa bahay niya at nanalangin. Hiniling niya sa Diyos na sabihin sa kanya kung aling simbahan ang tama.

Larawan
Heavenly Father and Jesus Christ appear to Joseph Smith.l - ch.64-6

Nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith. Sinabi ng Tagapagligtas kay Joseph na huwag sumapi sa anumang simbahan dahil wala sa mga ito ang Kanyang Simbahan.

Larawan
Joseph Smith translates the gold plates. - ch.64-7

Pinili ng Diyos na ibalik ang Simbahan ni Jesucristo sa daigdig sa pamamagitan ni Joseph Smith. Nagsugo ng mga anghel ang Diyos para ibigay kay Joseph Smith ang priesthood. Tinulungan Niya si Joseph na maisalin ang Aklat ni Mormon. Noong Abril 6, 1830, muling itinatag ang Simbahan ni Jesucristo sa daigdig.

Larawan
Joseph Smith organizes the Church with Twelve Apostles - ch.64-8

Tulad ng pagpili ni Jesus sa Labindalawang Apostol noong narito Siya sa daigdig, tinulungan ng Diyos si Joseph Smith na pumili ng Labindalawang Apostol para tulungan siyang pamunuan ang Simbahan. Ang mga lalaking ito ay binigyan ng kapangyarihang magturo ng ebanghelyo at gumawa ng mga himala.

Larawan
Missionaries teach people about the true church. - ch.64-9

Gusto ni Jesus na malaman ng lahat ang tungkol sa Kanyang Simbahan. Sinabi Niya kay Joseph Smith na magpadala ng mga misyonero para ituro sa lahat ng tao ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Larawan
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints is the same church Jesus organized when He was on the earth. Jesus Christ is pictured with the Salt Lake Temple in the background. - ch.64-10

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang simbahang itinatag ni Jesus noong nabuhay Siya sa daigdig.