Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 47: Ang Sampung Dalaga


Kabanata 47

Ang Sampung Dalaga

Larawan
Ten virgins wait at the door for the bridegroom - ch.47-1

Nagkuwento si Jesus tungkol sa sampung dalagang dumalo sa isang kasal. Hinintay nilang dumating ang kasintahang lalaki at papasukin sila. Hindi nila alam kung anong oras siya darating.

Larawan
The wise virgins have extra oil for their lamps - ch.47-2

May dalang mga ilawang de-langis ang sampung dalaga. Matatalino ang lima sa mga dalaga. May dala silang ekstrang langis.

Larawan
The foolish virgins had only the oil in their lamps - A woman stands looking at a lamp she holds in her hands - ch.47-3

Mangmang ang lima pang dalaga. Ang langis nila ay yaon lamang nasa mga ilawan nila.

Larawan
The five wise virgins put extra oil in their lamps while the five foolish go to find more oil - ch.47-4

Napakatagal dumating ng kasintahang lalaki. Naubos ang langis sa mga ilawan. Nagdagdag ng langis ang limang matatalinong dalaga sa kanilang mga ilawan. Kinailangang bumili ng langis ng limang dalagang mangmang.

Larawan
The bridgroom comes and the five wise virgins go into the feast - ch.47-5

Habang wala sila, dumating ang kasintahang lalaki. Pinapasok Niya ang limang matatalinong dalaga sa kasalan.

Larawan
The five foolish virgins knock on the door - ch.47-6

Pagbalik ng limang dalagang mangmang, sarado na ang pintuan. Hindi na sila makadalo sa kasalan.

Larawan
Jesus Christ comes again and the righteous members are ready, but other members, like the foolish virgins, are not - ch.47-7

Parang si Jesus ang kasintahang lalaki sa kuwentong ito. Parang ang mga miyembro ng Simbahan ang sampung dalaga. Kapag muling pumarito si Jesus, magiging handa ang ilang miyembro. Kasi sinunod nila ang mga utos ng Diyos. Ang iba ay hindi magiging handa. Hindi nila makakapiling ang Tagapagligtas kapag muli Siyang pumarito.