Kabanata 46
Ang Ikalawang Pagparito
Sinabi sa kanila ni Jesus na bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito, sasabihin ng mga huwad na propeta na sila ang Cristo. Maraming taong susunod sa kanila. Pero kung sinusunod ng Kanyang mga alagad ang Kanyang mga salita, hindi sila malilinlang ng mga huwad na propeta. Maliligtas sila.
Sinabi rin ni Jesus na bago Siya muling pumarito, magkakaroon ng maraming digmaan, taggutom, malulubhang sakit, at lindol. Maraming taong titigil sa pagtulong sa iba at magiging masama.
Ang ebanghelyo ay ipapangaral sa buong mundo, pero maraming hindi makikinig.
Magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, at malalaglag ang mga bituin sa langit.
Kapag muling pumarito si Jesucristo, makikita Siya ng mga tao na bumababa mula sa mga ulap nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Isusugo Niya ang Kanyang mga anghel para pagsama-samahin ang mabubuting tao.
Makakapaghanda tayo para sa Ikalawang Pagparito sa paggawa ng tama. Kapag nakita natin ang mga palatandaang ipinangako ni Jesus, malalaman natin na malapit na ang pagdating ng Tagapagligtas. Walang nakakaalam kung kailan talaga muling paparito si Jesus. Kung handa tayo, makakapiling natin Siya.