Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 30: Ang Tinapay ng Buhay


Kabanata 30

Ang Tinapay ng Buhay

Larawan
The people who had been fed the loaves and fishes follow Jesus in boats to Capernaum - ch.30-1

Kinabukasan maraming taong nagtangkang hanapin si Jesus. Sinundan nila Siya sa Capernaum sakay ng mga bangka.

Larawan
Jesus knows they only want Him to feed them again - ch.29-2

Alam ni Jesus na gusto nilang pakainin Niya sila ulit.

Larawan
Jesus tells the people they should seek the bread of eternal life - ch.29-3

Itinuro sa kanila ni Jesus na panandalian lang silang mabubuhay sa pagkain ng tinapay. Sabi Niya may isa pang uri ng tinapay silang dapat hanapin—ang Tinapay ng Buhay. Sinabi Niya sa kanila na Siya ang Tinapay ng Buhay.

Larawan
Jesus tells the people that if they believe on Him they will have everlasting life - ch.29-4

Itinuro ni Jesus sa mga tao na isasakripisyo Niya ang Kanyang buhay para sa kanila. Sabi Niya kung susunod sila at maniniwala sa Kanya, magtatamo sila ng buhay na walang hanggan.