Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Mahahalagang Termino sa Bagong Tipan


“Mahahalagang Termino sa Bagong Tipan,” Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan (2024)

Mahahalagang Termino sa Bagong Tipan

Ang pangunahing pag-unawa sa sumusunod na mga termino ay makatutulong sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan:

Mesiyas.“Isang uri ng salitang Aramaic at Hebreo na nangangahulugang “ang pinahiran ng langis.’” Sa sinaunang Israel, ang mga propeta, hari, at saserdote ay pinahiran ng langis upang ipahiwatig na sila ay pinili at itinalaga ng Diyos. Ang katagang Mesiyas ay nangangahulugang ang pinahirang Propeta, Saserdote, at Hari na mula sa lahi ni David at darating upang iligtas ang Kanyang mga tao. Noong panahon ng Bagong Tipan, inasam nang lubos ng mga tao ang pagdating ng Mesiyas. Ang katumbas sa Griyego ng Mesiyas ay Christos, kung saan nagmula ang titulong Cristo.

Mga Fariseo.Tingnan sa “Sino ang mga Fariseo?” sa bahaging “Panahon sa Pagitan ng Luma at Bagong Tipan”

Mga Saduceo.Tingnan sa “Sino ang mga Saduceo?” sa bahaging “Panahon sa Pagitan ng Luma at Bagong Tipan”

Sanedrin.Ang katagang ito sa Griyego ay maaaring mangahulugang “magkakasamang nakaupo” “pagtitipon,” o “konseho.” Maraming Sanedrin sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng mga Judio. Kapag ang katagang Sanhedrin o Sanedrin (o katumbas nito sa Ingles, “konseho”) ay ginamit nang walang kwalipikasyon sa Bagong Tipan, karaniwang tinutukoy nito ang Dakilang Sanedrin sa Jerusalem. Ang kapulungang ito ng mga Judio ang namamahala sa mga panloob na gawain ng bansang Judio. Binubuo ito ng 70 miyembro at isang mataas na saserdote na namumuno sa konseho. Ang mga miyembro nito ay kinukuha mula mga piling Judio—mga punong saserdote, eskriba, at elder. Bagama’t nanatili ang kapangyarihang pampulitika sa Roma, pinayagan ang Sanedrin na magkaroon ng hurisdiksyon sa mga batas ng Judea na tungkol sa relihiyon, pulitika, at hudikatura.

Mga Eskriba.Tingnan sa “Paano nagkaroon ng Impluwensya at Kapangyarihan ang mga eskriba?” sa bahaging “Panahon sa Pagitan ng Luma at Bagong Tipan”

Mga banal na kasulatan.Ang mga Judio sa panahon ni Jesus ay tumutukoy sa dalawang kategorya ng banal na kasulatan: ang Kautusan at ang Mga Propeta. Kaugnay ng mga ito, binanggit din ni Lucas ang Mga Awit, na sa kalaunan ay isasama sa ikatlong kategorya na kilala ngayon bilang Mga Kasulatan. Ang Kautusan, na kilala rin bilang Torah, ay binubuo ng limang aklat ni Moises. Ang Mga Propeta ay tumutukoy sa isang koleksyon ng mga aklat ng mga propeta at ang tungkol sa kanila. Kasama sa koleksyong ito ang mga aklat mula kay Josue hanggang sa Mga Hari at Isaias, Jeremias, Ezekiel, at ang 12 “Minor Prophets” (Hosea hanggang Malakias). Kabilang sa Mga Sulatin ang mga akdang pampanitikan tulad ng Mga Awit, Mga Kawikaan, at Job. Kasama rin dito ang “the five scrolls [ang limang balumbon]” (Awit ni Solomon, Ruth, Mga Panaghoy, Eclesiastes, at Esther), ang aklat ni Daniel, at ang mga aklat ng kasaysayan ng 1 at 2 Cronica.

Sinagoga.Ang mga sinagoga ay mga gusali kung saan nagtitipon ang mga Judio para sa pagsamba at pagtuturo. Hindi alam ang pinagmulan ng mga sinagoga. Ang pagbanggit ng mga sinagoga sa Aklat ni Mormon ay nagpapahiwatig na maaaring mayroon na nito sa Israel bago umalis si Lehi sa Jerusalem. Ang pagsamba sa sinagoga ay naging mas laganap matapos ang pagpapatapon sa Babilonia dahil naghanap ang mga Judio ng iba pang mga paraan ng pagsamba sa Panginoon habang malayo sa Kanyang templo.

Ang sinagoga ay pinamamahalaan ng isang lokal na pinuno, o eskriba. Bawat sinagoga ay naglalaman ng “mga balumbon ng batas at iba pang mga banal na sulatin, isang mesa sa pagbabasa, at mga upuan para sa mga sumasamba.” Sa panahon ng pagsamba sa araw ng Sabbath, ang mga Judio ay nagtitipon upang makinig ng mga pagbasa mula sa mga sagradong teksto ng kasulatan ng mga Judio.

Si Jesus na nagtuturo sa sinagoga

Jesus in the Synagogue at Nazareth [Si Jesus sa Sinagoga sa Nazaret], ni Greg K. Olsen

Alamin ang Iba Pa

Mga Tala

  1. Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mesiyas,” Gospel Library; tingnan din sa Tremper Longman III and Mark L. Strauss, The Baker Expository Dictionary of Biblical Words (2023), 987.

  2. Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mesiyas,” Gospel Library.

  3. Longman and Strauss, The Baker Expository Dictionary of Biblical Words, 703; tingnan din sa Bible Dictionary, “Sanhedrin,” Gospel Library.

  4. Tingnan sa Longman and Strauss, The Baker Expository Dictionary of Biblical Words, 703–4. Tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sanedrin,” Gospel Library.

  5. Tingnan sa Mat. 7:12; 22:40; Lucas 16:16; Juan 1:45; Mga Gawa 13:15; Roma 3:21.

  6. Tingnan sa Lucas 24:44.

  7. Holzapfel and others, Jehovah and the World of the Old Testament, 10, 276; Holzapfel and others, Jesus Christ and the World of the New Testament, 9. Bagama’t sa panahon ng Bagong Tipan ay hindi gaanong maayos na naigrupo ang mga teksto ng banal na kasulatan sa Kautusan, sa Mga Propeta, at sa Mga Sulatin, “ang mga hangganan ng mga kategoryang iyon ay tila hindi malinaw na nailarawan” (Daniel O. McClellan, “The Use of the Old Testament in the New Testament,” sa Blumell, New Testament History, Culture, and Society, 498).

  8. Tingnan sa 2 Nephi 26:26; Alma 16:13; 32:1.

  9. Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sinagoga,” Gospel Library.