Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Heograpiya ng Bagong Tipan


“Heograpiya ng Bagong Tipan” Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan (2024)

Heograpiya ng Bagong Tipan

mahahalagang pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas

Saan naganap ang ministeryo ng Tagapagligtas sa mundo?

Ang mga may-akda ng Bagong Tipan ay nagbanggit ng heograpiya, topograpiya, at ng mga pangalan ng mga lugar na maaaring hindi pamilyar sa mga makabagong mambabasa. Ang pag-unawa sa heograpiya ng lugar ay makapagdudulot ng karagdagang kaalaman tungkol sa buhay ng Tagapagligtas at sa buhay ng Kanyang mga Apostol.

mapa ng Banal na Lupain sa panahon ng Bagong Tipan
  1. Ang Galilea ay nasa hilagang bahagi ng Samaria, sa hilaga at kanluran ng Dagat ng Galilea. Si Jesus ay lumaki sa maliit na nayon ng Nazaret sa Galilea. Malaking bahagi ng Kanyang ministeryo sa mundo ang ginugol Niya sa pagtuturo sa mga bayan at nayon ng Galilea.

  2. Ang Judea ay nasa kanlurang bahagi ng Dead Sea at nakapalibot sa Jerusalem. Ang Tagapagligtas ay hindi kaagad tinanggap dito kumpara sa pagtanggap sa Kanya sa Galilea, lalo na ng mga pinunong Judio, na mga punong saserdote, eskriba, at matatanda.

  3. Ang Samaria ay nasa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan at nasa pagitan ng Judea at Galilea. Ang mga Samaritano ay mga inapo ng mga Israelita at mga dayuhan na nag-asawa at nanirahan sa Samaria kasunod ng pananakop ng mga Assyrian noong ikawalong siglo BC. Kinapootan nang matindi ng mga Samaritano at Judio ang isa’t isa dahil sa pagkakaiba sa relihiyon at kultura. Ang mga Judio na naglalakbay sa pagitan ng Judea at Galilea ay madalas na dumadaan sa mas mahabang ruta malapit sa Ilog Jordan upang iwasan ang pagdaan sa Samaria.

  4. Ang Jerusalem ang naging kabiserang lungsod ng Israel matapos itong masakop ni Haring David. Pinaunlad ni Haring Solomon ang lungsod at nagtayo ng templo. Matapos ang pagkakahati ng Israel, ang Jerusalem ay nanatiling kabiserang lungsod ng Juda. Sa iba’t ibang panahon ang lungsod at templo ay sinalakay at bahagyang nawasak. Muling itinayo ni Haring Herodes ang mga pader ng templo at lungsod. Noong panahon ni Jesucristo, ang Jerusalem ang sentro ng pagsamba sa relihiyon ng mga Judio.

ang templo sa Jerusalem

My Father’s House [Bahay ng Aking Ama], ni Al Rounds

Alamin ang Iba Pa