Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Abis


“Si Abis,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 17–19

Si Abis

Pagtulong sa kanyang mga tao na maniwala kay Jesus

Larawan
Naglakad si Abis sa isang nayon

Nagtrabaho si Abis sa isang reyna na Lamanita. Nalaman ni Abis ang tungkol kay Jesucristo mula sa isang pangitain ng kanyang ama. Sa loob ng maraming taon, siya ay naniwala kay Jesus at nagnais na sumunod sa Kanya. Ngunit hindi pa niya ito sinasabi sa ibang mga Lamanita.

Alma 19:16–17

Larawan
Pinanood ni Abis ang reyna, ang hari, at si Ammon

Isang araw, isang Nephita na nagngangalang Ammon ang dumating sa kaharian upang ituro sa mga Lamanita ang tungkol kay Jesus at sa Diyos. Naniwala ang reyna at hari sa itinuro ni Ammon. Alam ng reyna at hari na paparito si Jesus sa lupa at papangyarihin na mapatawad ang lahat ng naniniwala sa Kanya.

Alma 17:12–13; 18:33–36, 39–40; 19:9, 13

Larawan
Nakita ni Abis na nalugmok ang lahat sa lupa

Nadama ng reyna at hari ang Espiritu Santo at napakasaya nila kaya nalugmok sila sa lupa. Nalugmok din si Ammon at ang mga tagapagsilbi. Si Abis ang tanging naiwang nakatayo.

Alma 19:6, 13–16

Larawan
Nakipag-usap si Abis sa maraming tao

Nagnais si Abis na sabihin sa mga tao ang tungkol sa himalang ito. Umasa siyang maniniwala ang mga tao sa kapangyarihan ng Diyos kapag nakita nila ang nangyari. Kung kaya’t tumakbo si Abis sa bahay-bahay. Sinabi niya sa mga tao na humayo at tingnan kung ano ang ginawa ng Diyos para sa reyna at hari.

Alma 19:17

Larawan
nakita ng maraming tao ang mga tao na nalugmok sa lupa

Maraming tao ang nagpunta sa bahay ng reyna at hari. Nagulat sila dahil mukhang patay na ang reyna, ang hari, at ang lahat ng kanilang mga tagapagsilbi.

Alma 19:18

Larawan
nagtatalo ang mga tao

Nalito ang mga tao. Pinagtalunan nila kung ano ang nangyari sa reyna at hari.

Alma 19:19–21

Larawan
Lumuhod si Abis at hinawakan niya ang kamay ng reyna

Nang bumalik si Abis, nakita niyang nagtatalo ang mga tao. Nalungkot siya dahil hindi nila nakita ang kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng reyna, at tumayo ang reyna at pinapurihan si Jesus.

Alma 19:28–29

Larawan
tumayo ang hari at reyna kasama sina Abis at Ammon

Hinawakan ng reyna ang kamay ng kanyang asawa, at tumayo ito. Sinabi ng hari sa mga tao ang tungkol kay Jesus. Pagkatapos ay tumayo si Ammon at ang iba pang mga tagapagsilbi. Sinabi nilang lahat sa mga tao na binago sila ni Jesus. Ang nais lamang nila ngayon ay gumawa ng mabubuting bagay. Maraming tao ang naniwala sa kanila.

Alma 19:29–36

Larawan
Nanood si Abis, ang reyna, at ang hari ng isang binyag

Tulad ng inaasam ni Abis, nakita ng mga tao ang kapangyarihan ng Diyos. Maraming tao ang naniwala kay Jesus at nabinyagan. Taglay nila ang Espiritu ng Diyos. Itinatag din nila ang Simbahan sa kanilang lupain. Nakita nila na tinutulungan ni Jesus ang sinumang nagsisisi at naniniwala sa Kanya.

Alma 19:17, 31, 35–36