Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isang Bagong Tahanan sa Lupang Pangako


“Isang Bagong Tahanan sa Lupang Pangako,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

“Isang Bagong Tahanan sa Lupang Pangako,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

2 Nephi 4–5

Isang Bagong Tahanan sa Lupang Pangako

Ang mga Nephita at ang mga Lamanita

Larawan
mga pamilya sa paligid ni Lehi

Patuloy na dumami ang pamilya nina Lehi at Saria sa lupang pangako. Ang kanilang mga anak ay nagkaroon ng sarili nilang mga anak. Tumatanda na si Lehi. Bago siya namatay, nagbigay siya ng basbas sa mga tao sa kanyang pamilya. Sinabi niya sa kanila na kapag sinunod nila ang mga kautusan ng Diyos, tutulungan sila ng Panginoon.

2 Nephi 4:3–12

Larawan
sina Laman at Lemuel na pinanonood si Nephi

Matapos mamatay si Lehi, pinamunuan ni Nephi ang mga tao. Sinabi niya sa kanila na sundin ang Panginoon. Nagalit sina Laman at Lemuel. Gusto nilang patayin si Nephi para sila ang makapamuno.

2 Nephi 4:13; 5:1–4

Larawan
grupo ng mga taong naglalakbay

Sinabi ng Panginoon kay Nephi na umalis kasama ang kanyang pamilya at ang sinumang gustong sumunod sa Panginoon. Naglakbay sila nang maraming araw at nakahanap ng bagong lugar na matitirhan.

2 Nephi 5:1, 5–8

Larawan
mga taong nagsasaka

Ang mga sumama kay Nephi ay tinawag na mga Nephita, at ang mga nanatili ay tinawag na mga Lamanita. Hiniling ng mga Nephita kay Nephi na pamunuan sila. Nagtrabaho sila nang husto. Sila ay nagsaka, nag-alaga ng mga hayop, at nagtayo ng templo at iba pang mga gusali. Itinuro sa kanila ng mga saserdote at guro ang tungkol sa Panginoon, at naging masaya ang mga tao.

2 Nephi 5:9–11, 13–17, 26–27