Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Magkapatid na sina Nephi at Lehi


“Ang Magkapatid na sina Nephi at Lehi,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Helaman 3–6

Ang Magkapatid na sina Nephi at Lehi

Pakikinig sa isang tinig mula sa langit

Larawan
nagturo ang magkapatid na sina Nephi at Lehi sa mga tao habang may isang hukbo ng mga Lamanita sa malapit

Sina Nephi at Lehi ay magkapatid na nagnais na ipaalam sa lahat ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo. Ang mga Nephita at Lamanita ay nasa digmaan, ngunit tinuruan pa rin ng magkapatid ang mga tao mula sa dalawang grupong ito. Isang araw habang naglalakbay sila upang magturo sa mga tao, ibinilanggo sila ng isang hukbo ng mga Lamanita.

Helaman 3:20–21, 37; 4:4–5, 14; 5:4–21

Larawan
Naglakad ang hukbo ng mga Lamanita patungo sa bilangguan kung nasaan sina Nephi at Lehi

Makalipas ang maraming araw, dumating ang hukbo sa bilangguan upang patayin sina Nephi at Lehi.

Helaman 5:22

Larawan
pinaligiran at pinrotektahan sina Nephi at Lehi ng isang haligi ng apoy at liwanag, napahandusay ang mga kawal, at lumitaw ang isang madilim na ulap

Bago masaktan ng sinuman sina Nephi at Lehi, lumitaw ang isang haligi ng apoy sa paligid nila. Hindi sila nasunog ng apoy. Sa halip, pinanatili silang ligtas ng Diyos. Pagkatapos ay nayanig ang lupa. Tila babagsak ang mga pader ng bilangguan. Hindi nagtagal, isang madilim na ulap ang bumalot sa lahat ng iba pang naroon sa bilangguan. Takot na takot ang mga tao.

Helaman 5:23–28

Larawan
tumingin sa isang sinag ng liwanag ang mga taong nakatayo sa madilim na ulap

Isang tinig ang nagmula sa itaas ng madilim na ulap. Ito ay marahan, tulad ng isang bulong, ngunit nadama ito ng mga tao sa kanilang mga puso. Iyon ay tinig ng Diyos. Sinabihan sila ng Diyos na magsisi.

Helaman 5:29–30, 46–47

Larawan
tumingala ang mga kalalakihan at kababaihan sa mga pira-pirasong madilim na ulap

Yumanig pa ang lupa at ang bilangguan. Muling narinig ang tinig at sinabihan ang mga tao na magsisi. Hindi makagalaw ang mga tao dahil sa ulap at sa kanilang takot.

Helaman 5:31–34

Larawan
Itinuro ni Aminadab sina Nephi at Lehi, na kumikinang at nakatingin sa itaas

Ang isang lalaki sa pulutong ng mga tao ay nagngangalang Aminadab. Minsan siyang napabilang sa Simbahan ng Diyos. Nakita niya na nagsimulang labis na kuminang ang mga mukha nina Nephi at Lehi. Nagmukha silang mga anghel. Tila nakikipag-usap sila sa isang tao sa langit. Sinabihan ni Aminadab ang lahat na tumingin kina Nephi at Lehi.

Helaman 5:35–39

Larawan
tumingala ang maraming kalalakihan at kababaihan sa madilim na ulap at nanalangin.

Tinanong ng mga tao si Aminadab kung ano ang maaari nilang gawin upang mawala ang madilim na ulap. Ibinahagi ni Aminadab ang nalalaman niya tungkol sa Diyos at kay Jesus. Sinabihan niya ang mga tao na magsisi, manampalataya kay Jesus, at manalangin sa Diyos. Nakinig ang mga tao kay Aminadab. Nanalangin sila hanggang sa mawala ang kadiliman.

Helaman 5:40–42

Larawan
nanalangin ang mga tao habang napaliligiran ng liwanag at apoy

Pinaligiran ng apoy na mula sa Diyos ang lahat ng tao at hindi sila nasunog. Napuspos ng Espiritu Santo ang mga tao at napakasaya nila. Kamangha-mangha ang mga sinabi nila. Muling narinig ang tinig. Sinabihan sila nito na magkaroon ng kapayapaan dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesus. Dumating ang mga anghel at dinalaw ang mga tao.

Helaman 5:43–49

Larawan
Nilisan nina Nephi at Lehi ang bilangguan, at pinanood sila ng mga tao

Nilisan nina Nephi, Lehi, at ng lahat ng tao ang bilangguan. Sinabi nila sa maraming tao sa buong lupain kung ano ang nakita at narinig nila noong araw na iyon. Karamihan sa mga Lamanita ay naniwala at piniling sundin si Jesus. Tumigil sila sa pakikipaglaban sa digmaan. Sa halip, tinulungan nila ang mga tao na manampalataya kay Jesus at magsisi.

Helaman 5:50–52; 6:1–6